Maangas.jpeg
33 histoires
Tinusta Ko Ang Langit par CallMeBoss
Tinusta Ko Ang Langit
CallMeBoss
  • LECTURES 8,936
  • Votes 455
  • Parties 13
Paano mo mamahalin ang sarili mo kung pito ito?
Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed] par LexInTheCity
Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]
LexInTheCity
  • LECTURES 24,964
  • Votes 1,353
  • Parties 41
Have you ever had a dream about someone you don't know, a person you don't recall ever meeting, a dream that left you depressed when you woke up? Well, that's exactly what Blaze has been going through lately. Tapos, magyayayang umakyat sa bundok ang tropa. Sasama siya without even realizing na he said yes, and finally meeting that girl--he thought. "Masaya na ako na kahit sa isang linya ng tulang hindi mo mababasa ay nagkasama tayo." #KungPanongAngBulalakawAyNagingIkaw #MayPagIbigSaBundok #MeetYourMeteor #ShootAndScar #BlazeBenson #Wattys2016 ( ̲̅:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅ ̲̅]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅ ) ( ̲̅:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅ ̲̅]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅ ) ( ̲̅:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅ ̲̅]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅ ) Dare to BELIEVE. ❤️?❤️
Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The Changemakers par parengtofu
Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The Changemakers
parengtofu
  • LECTURES 77,023
  • Votes 3,453
  • Parties 54
Matagal-tagal na rin pala nang bigla kang nawala. // • "This thing is a masterpiece." • squanderedlife s h o r t. s t o r y | parengtofu • (c) 2018 #1 in Literature | Watty's 2018 winner! | #TanggolWika
Totoy par BoyKritiko
Totoy
BoyKritiko
  • LECTURES 147,136
  • Votes 5,666
  • Parties 45
Tumatalakay sa buhay ng isang lalaki mula sa oyayi ng kaniyang ina hanggang sa pagsasaboy sa kaniya ng mga bulaklak. Paano nabago ng unang halik ang kaniyang buhay? Paano niya binilang ang butiki sa kisame? Paano niya nahawakan ang kamay ni Jocelyn? Paano niya kinausap ang kaniyang 'boss'? Paano siya lumuha sa EDSA? Paano niya nakita ang kaniyang takot? Paano siya nahulog? Sino nga ba si Totoy? May 31, 2015- April 18, 2017
Oyayi par alastairmarcus
Oyayi
alastairmarcus
  • LECTURES 445
  • Votes 27
  • Parties 3
Ang mundo sa paningin ng sanggol. Masaya o malupit?
Ang Paghuhukom par WattIncognito
Ang Paghuhukom
WattIncognito
  • LECTURES 2,452
  • Votes 148
  • Parties 7
Team Mystery Finale entry
Gasgas Na par EmpanadaMan
Gasgas Na
EmpanadaMan
  • LECTURES 46,218
  • Votes 1,594
  • Parties 23
Realizations ng taong malalim pero madalas mababaw. Mula sa pinaka-simple hanggang sa pinaka-komplikadong bagay.
Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ �✓ par pinutbutterjelli
Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓
pinutbutterjelli
  • LECTURES 7,253
  • Votes 586
  • Parties 46
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula ang lahat. === Isang dalagang tumatakbo sa mga libro para kalimutan ang katotohanang kahit anong gusto niyang gawin ay di niya magagawa dahil iba pa rin ang magdidikta para sa kanya. At isang binatang nahumaling sa kanya kahit na ang tanging ginagawa lamang naman niya ay magbasa sa harap ng bintana. Isang gabi. Isang piging. Paunang salita. Limang minuto.
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus " par MS_ARCHAEOLOGIST
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
MS_ARCHAEOLOGIST
  • LECTURES 50,463
  • Votes 1,947
  • Parties 38
Si Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay nakapaglakbay siya sa kasaysayan at nagkakaroon siya ng pagkakataon masilayan si Dr. Jose Rizal. Si Ana Makabayan ay isa ring college student na may angking tapang na hindi nagpapaapi sa mga bully. Siya ay likas na makabayan at may malaking paghanga sa mga bayani ng Pilipinas. Bago pa manganib ang kanyang buhay ay naglakbay muna siya sa nakaraan sa tulong ng Tapangalaga ng tarangkahan ng Kasaysayan. Ngunit pagdating nila sa nakaraan, sila ay nasa ibang katauhan. Ano kaya ang magiging kapalaran nila sa nakaraang mundo ng kasaysayan?
The Naughty Lady of San Nicolas par AshantiEverly
The Naughty Lady of San Nicolas
AshantiEverly
  • LECTURES 2,110
  • Votes 88
  • Parties 14
Mabait si Quene. Alam na alam niya ang bagay na iyon at walang kokontra. Sa katunayan, sa sobrang bait niya (isali na rin ang pagiging maganda, maraming salamat sa inyong lahat!), sinamahan niya si Faith sa San Labrador. Ilang linggo pa niyang nakasama ang babae ngunit hindi na siya nakatanggi nang magpasama ito. Isang ebidensya na mabait talaga siya. Sa San Labrador, nakilala niya si Demetrio, ang stalker niya. Sa pagkakaalam niya, wala pa naman siyang ginawa (sa ngayon) upang magkandarapa ang lalaki sa kanya. Kahit saan siya magpunta, sa kagubatan man o sa sementeryo (walang pinipiling lugar ang lalaki) buntot na buntot pa rin ito. Nang magsawa sa ginagawa ng lalaki, hinarap niya ito at harapang tinanong kung atat na atat na ba talaga itong ligawan siya. Didiretsuhin na niyang hindi pa siya handa sa bagay na iyon. Bubot pa lamang siya. Kailangan na muna siyang diligan nang diligan hanggang sa mamukadkad. Ganoon na lamang ang pagkalaglag ng panga niya nang magkamali siya. Hindi pala niya stalker ang lalaki. Hindi rin ito deds na deds sa kagandahan niya (siya na ang dyosa) binibigyan lang siya ng babala. Mag-ingat daw siya. Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, iaalay ang kagandahan niya sa diyos ng kagubatan. Diyos raw ng kagubatan. Sinong niloloko nito? Ang kagandahan niya? Oo nga't pang-alay ang kagandahan niya pero malaki na siya at matalino upang maniwalang walang diyos ng kagubatan. Asus. Huwag siya. Taktika lang iyon ng lalaki upang siya naman ang magkandarapa. Gusto nitong maging isang knight in shining armor niya samantalang siya naman ang magiging damsel in distress. Ngunit sinampal siya nang malakas ng katotohanang hindi pala ito nagsisinungaling nang ialay siya mismo ng mga kapitbahay ni Faith. Ngayon, makakaya pa kaya niyang gamitin ang alindog upang iligtas ang sarili? O mas gugustuhin na lang niya na sana si Demetrio na lang ang nanghahabol sa kanya?