ItsJustAxela
- Reads 2,203
- Votes 58
- Parts 14
Sa pagdilat ng mga mata ni Lara, nalaman niya agad na bumalik siya sa nakaraan. Kung paano at bakit, hindi niya alam. Pero sigurado siyang hindi iyon ang panahon niya. Kahit pa ganoon, pinilit niyang umakto nang normal habang hinahanap niya ang paraan kung paano makauuwi.
Nakilala niya si Marco. Estudyante sa kolehiyo. Matalino. Palabiro. At, inakala nitong sa isang paaralan sila pumapasok.
Inibig niya ang lalaki sa loob ng maikling panahon. Inibig din siya nito. Nang malaman nito na mula siya sa hinaharap at kailangan niyang magpaalam, nangako itong hahanapin siya nito. At nang mga sandaling kailangan na nilang maghiwalay, niyakap siya nito nang mahigpit at hinagkan sa mga labi.
"Mahal kita, pero hindi ito ang panahon nating dalawa," bulong niya sa pagitan ng malulungkot na halik bago tuluyang lumayo sa binata.
Isang umaga, nang muling dumilat ang mga mata ni Lara, napansin niyang nasa mas maunlad na mundo na siya. Sa hinaharap. Sampung taon mula sa orihinal niyang panahon.
At, naroon pa rin si Marco. Nakangiti sa kanya. Tila alam ang pagdating niya. Niyakap niya ang lalaki sa kabila ng pangambang kailangan niya pa ring umalis muli.
Maaari naman silang maging masaya. Pero paano niya mapapanatili ang imahe ng binata sa isip niya sa oras na magbalik siya sa totoong mundo niya?