PHR
11 stories
Written In The Stars (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 994,137
  • WpVote
    Votes 12,864
  • WpPart
    Parts 15
Sa edad na dalawampu ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Margaux. May history pa naman ang pamilya nila na hirap nang magkaanak kapag nasa late twenties na. Kaya nagdesisyon siyang sumailalim sa artificial insemination noong nakatira pa siya sa New York. Nagbalik siya sa Pilipinas at doon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Miro, ang kababata niya na wala nang ginawa noon kundi asarin siya. Pero napakalaki na ng ipinagbago nito at tila desidido itong bumawi sa kanya. Niligawan siya nito. Hindi narendahan ni Margaux ang puso niya at tuluyang nahulog ang loob niya kay Miro.
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 684,825
  • WpVote
    Votes 15,658
  • WpPart
    Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
A Home In His Arms (Completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 673,004
  • WpVote
    Votes 16,891
  • WpPart
    Parts 69
PHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
The Start Of Forever (Completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 478,842
  • WpVote
    Votes 14,589
  • WpPart
    Parts 38
The Bouquet Ladies Trilogy Three friends attending their friend's wedding. During the bouquet throwing, they fight each other for the flowers because they believe the one who gets it gets married next... Book 1 Aya Myers Book 2 Kensi Book 3 Dwayne Izzobelle
Love Trap by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 805,937
  • WpVote
    Votes 15,802
  • WpPart
    Parts 33
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,603,355
  • WpVote
    Votes 37,176
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1) by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 165,406
  • WpVote
    Votes 4,142
  • WpPart
    Parts 14
Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya makukuha ang pera sa trust fund niya kapag hindi siya agad bumalik ng Pilipinas. Kailangan pa naman niya ang pera na 'yon para sa matagal na niyang pinaplano na pagtatayo ng sarili niyang business. Kaya naman sa bandang huli ay wala na rin siyang nagawa kundi umuwi. And imagine her surprise nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng Lolo niya sa kanya ang pamamahala ng football club na itinayo nito. Telling her na kung hindi niya pamamahalaan 'yon ay hindi na niya makukuha ang pera sa trust fund niya. What choice does she have? So she reluctantly agreed kahit pa nga wala naman siyang kaalam-alam sa naturang laro. Okay na sana ang lahat. That was until she met the the club's coach, Devlin Mendoza. Ito na yata ang pinakanakakainis na lalaking nakilala niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan na agad nitong ipinakita ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera. Dapat ay magalit siya dito, pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, natagpuan na lamang niya ang sarili na lagi itong sinusundan-sundan ng tingin. Although he's the most annoying and most insufferable man she had met, she still found herself unexplicably falling for him. Pero hindi pa man niya nasasabi ang nararamdaman dito ay saka naman biglang nanganib ang buhay niya.
I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 66,995
  • WpVote
    Votes 1,335
  • WpPart
    Parts 11
Unang na-in love si Zia sa boses ni DJ Gino. Taglay nito ang pinakamaganda, masuyo, at baritonong boses na narinig niya sa buong buhay niya. At nang makilala niya ito, hindi niya napigilang tuluyang mahulog ang loob dito. Ngunit may malaking problema - may mahal na itong iba. Nagmamahal ito sa isang babaeng may mahal namang iba. Sa kabila ng lahat, nakipaglapit siya rito. Para siyang gamugamo na patuloy sa paglipad sa paligid ng maliwanag na lampara, sa kabila ng kaalaman niyang baka mapaso siya sa huli. May pag-asa bang masungkit niya ang puso ng lalaking pinakamamahal?
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,893,980
  • WpVote
    Votes 30,618
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...
Paint My Love (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 829,316
  • WpVote
    Votes 13,175
  • WpPart
    Parts 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.