My Sweet Callie
Quinn_Lauren
- Reads 2,581
- Votes 43
- Parts 13
Synopsis
She hated him. He hated her. The feeling was just mutual. Bata pa lang ay hindi na magkasundo si Callie at Ethan. That is, to think na sabay silang lumaki at mag-bestfriend pa ang kanilang mga ina. Sadyang may mga bagay na hindi maaring pagsamahin at sila ngang dalawa iyon. But destiny played a little game, ipinagkasundo lang naman sila ng kanilang mga magulang sa isang arranged marriage! In this modern time, yes, arranged marriage still exists---lalo’t ganoong fanatic ang kanilang mga magulang sa loveteam nilang dalawa.
Umpisa pa lang ay kahibangan ang isiping maaari silang magkasama nang hindi nag-aaway, ang magpakasal pa kaya? Subalit sa unang pagkakataon, nagkaroon silang dalawa ng kasunduan, Iyon ay ang pansamantalang pagbigyang ang kabaliwan ng kanilang mga magulang---dahil na rin hindi na nila mapigilan ang mga agresibong pamamaraan ng mga ito para lang matuloy ang kanilang maitim na balak.
Subalit tumagal ang pansamantala at nag-umpisang mabuo ang isang magandang pagkakaibigan sa kanilang dalawa---bagay na walang sino man sa kanila ang nag-akalang mangyayari. At…mukhang may mas malalim pang itinutungo ang pagkakaibigang iyon. Now, it isn’t only about destiny as love finds its way to their hearts.