TheAuthorGhorl
Every story has a heroine. Ako? Hindi ako 'yon. I'm the best friend - 'yung laging nakikinig, sumusuporta, at nasa background lang. Kung drama 'to, ako 'yung girl na mag pa-pat ng likod kapag brokenhearted ang bida, mag-aayos ng buhok para mas lalo siyang mag-shine, at magche-cheer ng pinakamalakas kapag siya ang nasa spotlight. That's me. Always me.
And the heroine? Madali lang sagutin 'yan. Her name is Johanna. The most beautiful girl in our class - 'yung tipong mapapatitig ka sa ganda ng mukha niya sa tuwing kausap ka niya. She's the lead character, 'yung crush ng lahat, at ang mga teachers naaalala sya kahit ilang taon ang lumipas. Ako? Shadow lang. Sidekick. Safety net. Invisible adviser.
Hindi naman ako bitter, to be honest. May comfort din sa pagiging best friend. You get to witness the story without carrying it. You get to be needed, kahit hindi ka pinipili. Pero kapag tapos na ang palakpakan at patay na ang ilaw, minsan naiisip ko... may makaka alala pa kaya sa'kin?