phr
9 stories
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,119,496
  • WpVote
    Votes 26,586
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
When Fools Rush In (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 687,819
  • WpVote
    Votes 16,472
  • WpPart
    Parts 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy niya na malapit na siyang maging old maid at dapat nang mag-asawa ay hindi siya nababahala. Until Gregorio. Nagising siyang katabi ito sa kamang hindi sa kanya. At pareho silang walang maalala kung paano sila nakarating doon. At kung paanong sa loob lang ng isang gabi ay mag-asawa na sila. Hindi siya ang uri ng babae na magpapakasal sa isang estranghero. Ngunit dahil sa tila makatwirang argumento ni Greg, napapayag siyang bigyan ng tsansa ang di-inaasahang kasal. Magtagumpay kaya ang pagsasamang walang matibay na pundasyon?
Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 948,611
  • WpVote
    Votes 18,827
  • WpPart
    Parts 22
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya. Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 611,356
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...
Love Trap by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 805,752
  • WpVote
    Votes 15,802
  • WpPart
    Parts 33
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Almost A Fairy Tale  by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 614,496
  • WpVote
    Votes 12,100
  • WpPart
    Parts 25
"I want you, Ella. At alam kong iyan din ang nararamdaman mo para sa akin. So, please don't let that stupid frog come between us."
In Love With A Love Guru by Andie Hizon by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 215,226
  • WpVote
    Votes 4,576
  • WpPart
    Parts 22
"Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa dahil nandito na ako at hinding-hindi ako mawawala sa buhay mo." Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa buhay niya ay nagtungo si Gladys sa Maynila. Napadpad siya sa Alba's Residence, isang ladies' boardinghouse kung saan siya nakatagpo ng mga bagong kaibigan. So far so good ang takbo ng mga pagbabago sa buhay niya. Pero biglang nagulo iyon nang tuligsain ng isang DJ Zeph ang mga gawa ng mga romance writer na katulad niya. Worse, he did not do it once but twice! Aba't nawiwili yata ito? Sa inis niya ay tumawag siya sa programa nito sa radyo para depensahan ang mga romance novel. Nag-click sa mga listener ang tambalan-este, bangayan nila. Mukhang hindi lang panradyo ang chemistry nila dahil nang magkakilala sila nang personal ay may naramdaman siyang spark sa pagitan nila. Subalit kung kailan nagkakaunawaan na ang kanilang mga puso ay saka naman umeksena ang best friend slash first love nito. Bigla ay para siyang nawala sa eksena. Mauwi pa kaya sa totohanan ang "tambalan" nila?
Karen's Mr. Silent Heart by Marione Ashley  (COMPLETED) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 344,299
  • WpVote
    Votes 6,526
  • WpPart
    Parts 25
She guessed that this was the best part of being in love, loving someone and being happy about that love. The kind of love that even though you can never have him, you'd still be happy because you've been given the chance to be with him even if your role was just to be his best friend. Nile was the perfect best friend a girl could wish for. Or so Karen thought. Nang inalok niya itong maging pretend boyfriend niya dahil sa problema niya sa pagsusulat ay pumayag ito. She realized he was indeed a boyfriend material. Kung inaasikaso siya nito noong magkaibigan pa lang sila, lalo na ngayong "magkasintahan" na sila. Hanggang sa binibigyan na niya ng malisya ang lahat ng gawin nito sa kanya. Enjoy na enjoy siya kapag nakukulong siya sa mga bisig nito. Bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nasa malapit ito. Diyata't unti-unti nang nahuhulog ang sutil na puso niya sa mga ipinapakita ni Nile sa kanya? Hindi yata alam ng puso niya ang kasabihang "walang talo-talo sa magkakaibigan!" Handa na sana siyang itago na lang ang damdamin niya para kay Nile ngunit biglang hinalikan siya nito. At sa mga labi pa. Uh-oh. Why did he kiss her like that?
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 973,055
  • WpVote
    Votes 15,317
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?