Favorite
141 stories
Dumb Ways To Love by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 67,866
  • WpVote
    Votes 1,684
  • WpPart
    Parts 35
For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw nitong fiancé na si Pluto. Naging hit kasi ang video ng kasal ng dalawa kung saan namatay si Pluto bago pa man din makapag-"I do." Nagkasundo sila ni Odie na papayag ito na gawing pelikula ang buhay, at ido-document naman niya ang "journey" nito habang kinukuwento at binabalikan ang love story nito at ni Pluto. Hanggang sa aksidenteng nakuha niya ang listahan ni Odie ng mga paraan ng pagpapakamatay na magmumukhang aksidente, dahil pinaplano pala nitong sundan sa kabilang buhaysi Pluto. Hindi naman gano'n kasama si Tazmania para magbulag-bulagan, kaya ginawa niya ang lahat para pigilan si Odie sa masamang balak sa sarili. But while doing his self-appointed duty of stopping her from killing herself, Tazmania found himself slowly falling in love with Odie... ... even if he knew she would never love any other man after Pluto.
What Charmed Marga (Preview) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 9,870
  • WpVote
    Votes 345
  • WpPart
    Parts 11
Safe Girl meets Troublemaker Boy. Marga was a safe girl. Kaya nang ligawan siya ng trouble-maker na si Kris, nakipag-compromise na lang siya dito. Sasagutin niya ito kung hindi na uli ito makikipag-away. Kaya nga ba ng resident bad boy ng school ang maging good boy para sa kanya?
Steal His First Kiss (Published) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 35,078
  • WpVote
    Votes 2,791
  • WpPart
    Parts 23
Ladybug needs to steal Cricket's first kiss to live long. Pero keri ba 'yon ng konsensiya niya kung 29 years old na siya at college student pa lang ang lalaki? Isa pa, bilang mga journalists, magkaiba ang prinsipyo nila sa buhay!
Luna Ville Series 1: Lovely Magic Fountain (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 126,563
  • WpVote
    Votes 4,446
  • WpPart
    Parts 28
"I can stop dreaming now, because finally, the reality where you're here beside me, that I can hold you like this, is better than any dream." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak. Doon naman umentra si Alaude-ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalan ang nagawa nito sa kanya, nag-a la "fairy godmother" niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming. Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng "signs" na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana-nangyari ang lahat ng signs! Pero kung kalian naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?
The Fourth Order Series by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 75,247
  • WpVote
    Votes 3,237
  • WpPart
    Parts 62
[NOTE: I'm working on the English translation of The Fourth Order Series on Royal Road. :)] Simula pagkabata, hinahabol na ng mga demonyo si Misoo. Alam niyang special siya pero ayaw na niyang malaman kung ano siya. Pero nakilala niya ang aroganteng si Syndrome. Ang sabi ng lalaking iyon, Hunter daw ito ng mga demonyong tinatawag na Undertaker AT MAGKAURI daw sila. Okay, what now?
Crazy Little Liar Called Kookie by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 128,202
  • WpVote
    Votes 2,663
  • WpPart
    Parts 38
"When you turn thirty next month and you feel like you already want to get married, don't hesitate to propose to me. I'll say 'yes' in a heartbeat." For Oreo, it didn't matter if Kookie was a liar, until she told him she loved him after he caught her sleeping with another man. Matagal nang gusto ni Oreo si Kookie, pero alam niyang mahihirapan siyang makuha ang dalaga. She was wild, she was infamous for her boy toy collection, and she had a "sex video." Pero nang araw na makita niya si Kookie sa grocery store kung saan pareho silang kumakain ng parehong brand ng lollipop, alam niyang magagawa niya itong tanggapin kahit pa napanood ng mga kaibigan niya ang sex video ng dalaga. So he asked her to marry him. But of course, Kookie turned down his proposal, and even told him she only wanted to sleep with him. Tinanggap niya ang alok hindi para pagsamantalahan ang dalaga, kundi para gamitin ang pagkakataon na maligawan ito. Oreo thought he was succeeding in making her fall in love with him when she agreed to be his girlfriend, until she left him... ...and when Kookie returned, she lied again and told him she didn't remember him.
Hello/Goodbye NINETEEN! by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 12,016
  • WpVote
    Votes 659
  • WpPart
    Parts 20
V the Alien just wants to form a rock band with humans born on the month of September, just like him. Ang una niyang naging "target" na i-recruit sa banda niya eh si Java the Mermaid, 'yong makulit na babaeng nakasuot ng fake mermaid tail sa party kung saan sila nag-meet. Gustong-gusto kasi niya ang golden voice nito. Ah, disclaimer nga pala. Hindi siya totoong "alien." Pet name lang sa kanya 'yon ng schoolmates niya kasi parati raw siyang lutang at sabaw. But he wished he was born an alien. Sadly, he's just a human who likes to space out a lot. But hey, at least Java gets him... doesn't she?
My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 54,199
  • WpVote
    Votes 1,571
  • WpPart
    Parts 26
[Published, 2013) Gusto sanang isipin ni PeeCee na siya ang prince charming ni Chiya sa mala-fairy tale love story nila. Pero ang malungkot na reality, siya ang Cinderella Man at si Chiya naman ang Princess Charming. At hindi lang ang status nila sa buhay ang may element ng fairy tale. Just like in Cinderella, meron din siyang "evil stemother" na nagpapahirap sa buhay niya dahil ang gusto ng stepmom niya, ang stepbrother niyang si Jaycee ang makatuluyan ni Chiya. Hindi malayong maging reality iyon dahil best friend ni Chiya si Jaycee. And he's just a working student who couldn't even treat her to a fancy restaurant. Buti pa si Cinderella, may fairy godmother. Pero siya, walang ibang aasahan kundi ang sarili niya para mapansin siya ni Chiya sa debut nito...
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 67,416
  • WpVote
    Votes 2,482
  • WpPart
    Parts 25
He always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Kung puwede lang mamili ng mamahalin, siguradong sa umpisa pa lang ay inekisan na ni Genna sa listahan ang pangalan ng best friend niyang si Melvin. Paano, pangalawa si Melvin sa pinakamalanding lalaking nakilala niya. Okay lang sana kung pati siya ay nilalandi nito. Pero hindi. Kahit nga noong nakita siya ni Melvin na nasa kalagitnaan ng pagbibihis ay wala pa ring reaksiyon ang impakto. Tanggap na ni Genna na hindi siya kayang tingnan ni Melvin bilang babae na puwede nitong mahalin at seryosuhin. Pero mula nang bumalik ang isang multo sa kanyang nakaraan, lalong naging malapit sa kanya si Melvin. He even promised to protect her under the blue moon, with fireflies around them, which only made her fall for him harder. Kasabay ng pagkakatuklas nila sa misteryosong bulaklak ng Artemis nang gabing iyon ay ang pagkakaroon niya ng maluwag na kalooban sa pagtanggap na tamang lalaki ang kanyang minahal. Ngunit pagkatapos magtapat ni Genna ng pag-ibig kay Melvin ay bigla itong naglaho. Umakyat sa bundok ang walanghiya para takasan siya!
My Favorite Girl (Completed) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 103,137
  • WpVote
    Votes 3,288
  • WpPart
    Parts 22
Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkatuluyan sina Kraige at Cleo. And yes, proud at masaya siya na naging successful ang plano nila. Pero ang masama, na-love at first sight siya kay CeeCee--- ang ex-fiancee ni Kraige na iniwan nito dahil sa udyok niya. Nakita niya kung ga'no ka-devastated si CeeCee pero nakita rin niya kung ga'no ito katatag at kabait sa kabila ng heartbreak na pinagdadaanan nito... dahil sa kanya. He fell madly in love with CeeCee. Pero pa'no niya aaminin dito na siya ang dahilan kung bakit ito iniwan ni Kraige? He doesn't want to lose CeeCee, dammit.