charlesduquevlogs
APnN - Plot
Hilaw pa lamang ako kung ituring, nang maranasan ko ang pag-ibig, at tamis ng langit. Hindi na bago sakin ang mga salitang malalaswa, nagpapangap lamang akong inosente upang takpan ang nangyaring kababalaghan sa pagitan namin ni Thobby. Napamahal na siya sakin dahil sa first time naming matikpan ang sarap ng pag-ibig.
Pero sobrang daya talaga ng mundo, kung kilan mahal mo na yung tao, doon naman kayo ipaglalayo. Pilit akong sinubok ng panahon, sinubok ang pagiging loyal ko.
At sa taung wala si Thobby, ay isang Zolei naman ang sumalo sa lamya kong puso. Pinaramdam niya sakin ang pagmamahal habang wala si Thobby na animoy bula na agad-agad nawawala.
Pero sa muling pagkikita namin, isang patay na puso ang muling nabuhay sa loob ko at nagpabalik ng ala-alang siya ang unang mahal ko.
Sino nga ba ang pipiliin ko, ang nakaraan o ang kasalukuyan? Ipagpapatuloy ko pa ba ang punit na nakaraan? O ang bagong papel ng kasalukuyan? Paano ko nga ba ito haharapin at lalampasan?
Ako si Carlos, at heto ang mala-exam kong kwento na may libo-libong questions at nakakalitong multiple choice.