MinieMendz
5 stories
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,846,988
  • WpVote
    Votes 36,560
  • WpPart
    Parts 38
Walang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit ganoon ay na-attract pa rin siya rito. Hanggang sa lumalim ang atraksyon na naging sanhi para ibigin niya ito. Sa kabila ng misteryong bumabalot sa pagkatao ni Atreo ay hindi niya mapigilang ibigay ang sarili rito nang buo-buo. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang buhay niya nang malaman niya na ang lalaking inibig niya ay mayroon na palang iba. At ang mas masakit ay nang malaman niya na isa lamang siyang hamak na kabit nito. READ AT YOUR OWN RISK!!!!!!!!! © MinieMendz
Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,070,646
  • WpVote
    Votes 39,824
  • WpPart
    Parts 33
The famous Bettina Serina Ford---ang tinatawag na brat princess doll na anak ng isang sikat na businessman, mafia, fashion designer at painter na sina Dimitri and Beatrice Ford. Everyone admires her charm, beauty, and confidence. What she want is what she get. Meron din siyang marupok na puso kaya mabilis siyang na-inlove sa kaibigan ng Kuya niya na si Chadler Yuan. Nagkaroon sila nang sekretong relasyon dahil ayaw niyang malaman ng Kuya Duke niya ang relasyon nila. At ang isa pang kadahilanan ay dahil sa dugong dumadaloy kay Chad. Isa itong chinese, kaya ayaw sa kanya ng pamilya nito. Nagtungo siya sa country club kasama ang mga sinasabing kaibigan. Ang hindi niya alam na ang club na pinasukan niya ay ilegal pala na para sa mga foreigner na kumukuha ng prostitute. Sa isang iglap, dumating ang police team at inaresto ang lahat ng tao na nasa club. Even her. Siya ang natatanging naaresto sa kanilang magkakaibigan, dahil iniwan siyang mag-isa na lango sa alak. Meet the handsome Lieutenant General Rico Dominic Esquivar. Ang seryosong police man na umaresto kay Bettina sa club. Nanggagalaiti siya sa galit nang malaman niya na napakabata pa ni Bettina. She's only 15 years old for God's sake. He hates girls trying to be a mature woman. At naiinis siya sa mga babaeng nagtutungo sa club para ipakita ang balat sa ikli ng kasuotan. And he hates her because she's so liberated at her age. Siya ang matinong pulis na dedikado sa kaniyang trabaho. At ang matinong pulis na magpapatino sa bratty princess ng mga Ford.
BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 116,675
  • WpVote
    Votes 3,750
  • WpPart
    Parts 18
Dahil sa kakaibang mata ay naisipan ni Francine na ikubli ang mata ng kanyang anak na si Abella. Gumawa sya ng isang salamin sa mata upang takpan sa mata ng tao ang sekretong tinatago nila. Lumaki si Abella na tahimik at may tinatagong angking talento. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon sya ng pagkakataon na makapasok sa isang Eskwelahan. Lagi syang sentro ng bulungan ng mga estudyante ngunit wala syang pakialam sa paligid. Hanggang sa makilala sya ni Antonios Don Villamor. Ang Volunteer Nurse ng school na papasukan ni Abella. Nakita nya kung paano ito mahimatay kaya agad nya itong tinignan.. Tatanggalin sana nya ang salamin nito upang tignan ng mabigla sya ng dumilat ito at pigilan sya. Malamig ang kamay ng dalaga. At hindi nya alam ngunit tila iba ang nadama nya rito. Matuklasan kaya ni Antonios ang lihim ni Abella? At ang binata din kaya ang magiging dahilan ng paghihirap ni Abella? At matagpo din kaya ang landas ng mag-ama na pinaglayo ng tadhana?
Blood Book 1 (Unedited) ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 139,889
  • WpVote
    Votes 4,598
  • WpPart
    Parts 18
Pag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Naging alalay sya ng binatang Agustin na si Randall. Na una palang ay naamoy na agad ng binata ang mabango nyang amoy. Labis ang pagtataka ni Francine sa kanyang paligid dahil para bang may kakaiba sa bawat araw na nakikilala nya ang pamilyang Agustin at ang binatang si Randall. Hanggang matuklasan nya na hindi ordinaryong tao ang binata at maging ang pamilya nito. Isa itong nilalang na hindi nya akalain na nabubuhay sa mundo nya. Ngunit mawawala ang kanyang alaala at matutuklasan na kanya itong magiging asawa. Nag-ibigan sila ngunit natuklasan rin nya na sya ay nilinlan lamang ng binata nang sabihin nito ay asawa nya ito. Natuklasan nya rin na hindi rin pala sya ordinaryong tao lang. Dahil napapabilang rin sya sa uri ng nilalang kung anong uri ang binatang si Randall. Ngunit ang kanilang lahi ay nahahati. Ang kanilang lahi ay may alitan sa isa't-isa, kaya malaki rin ang hadlang sa kanilang pagmamahalan. Ngunit hindi sila nagpapigil at nagbunga ang kanilang pagmamahal ng isang supling. Isang supling na magiging salot ng kanilang lahi. Dahil nais nilang protektahan ang kanilang magiging anak ay tumakas sila, ngunit may isang nilalang na pumigil upang sila ay mapaslang upang mapunta rito ang trono bilang hari. Naiwang nakikipaglaban si Randall upang protektahan si Francine at ang nasa sinapupunan nito. Napunta sa mundo ng tao si Francine upang doon magtago. Hinintay nya at umaasa sya na agad syang mahahanap ni Randall ngunit naisilang na nya ang kanilang anak pero wala parin ang binata na nangakong susundan sila.
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,162,847
  • WpVote
    Votes 46,685
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz