wavetoerl
- Reads 8,806
- Votes 170
- Parts 43
Ang hirap maging mahirap.
May mga pangarap na gusto mong abutin, pero kailangan mong pagtsagaan ang lahat ng pagod at sakripisyo. May mga bagay na akala mo'y malapit na, ngunit tila malayo pa. Kailangan mong umakyat sa matarik na bundok, malampasan ang lahat ng pagsubok at paghihirap, kahit na ang katawan at kaluluwa mo'y sumisigaw na ng pagod. Ngunit sa kabila ng lahat, maghahanap ka pa rin ng paraan, magsusumikap, magtitiis, para lang may maitabi sa kumakalam mong sikmura.
Para kay Pierre Salvacion, hindi niya ramdam ang hirap basta't kasama niya ang kanyang Nanay Salome. Sa bawat tagpo ng kanilang buhay, sa bawat unos na dumaan, magkasama silang humaharap sa lahat ng pagsubok. At para kay Pierre, gagawin niya ang lahat upang maiahon ang Nanay niya mula sa hirap. Pero bukod pa rito, kailangan niyang putulin ang lahat ng ugnayan sa kaniyang Tatay, si Bernidi Salvacion, na hindi naging mabuting ama.
Ang tanging susi upang matuldukan ang koneksyon na iyon ay magtagumpay sa buhay. Kailangang magpursige, kailangang magsikap, upang hindi na kailangang magmakaawa sa isang ama na wala namang halaga sa kanya.
Para kay Pierre, ang pag-ibig ay lilipas din. Iniisip niyang ito'y hindi permanente, at tulad ng lahat ng bagay, mawawala. Ngunit nagbago ang pananaw niyang ito nang dumating si Yuan Osmeña sa tahimik niyang mundo. Ipinakita ni Yuan sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya naranasan noon-pag-aaruga, pang-unawa, at pagmamahal.
Kahit mahirap, kahit salat, kahit pagod na, nandoon si Yuan sa tabi niya. Sa bawat hakbang ni Pierre, nariyan si Yuan, hindi siya iniwan, at iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas upang magsikap pa ng mas matindi. Dahil sa isang tao na muling naniwala sa kanya, mas lalo niyang nahanap ang dahilan para magsikap at magtagumpay.