Sa isang barkada, hindi mawawala ang outing pagdating nang bakasyon. Panahon na din para makapag-refresh ang mga utak matapos ang ilang buwang ginugol sa pag-aaral. Pero pano kung ang masaya pala nilang summer vacation ay biglang maging... huling summer na pala nila?
Masayang bakasyon sana ang plano ng limang magkakaibigan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naging karumal-dumal ito.
Napadpad ang kanilang sinasakyan na van sa kagubatan. Sa kabila nito ay may isang estranghero na handang kumitil ng buhay nila sa hindi malaman na dahilan.
Makakaya ba nilang patayin ang estranghero na iyon? O tatakbo na lang sila hanggang sa sila'y makaligtas?
Started: November 2018
Finished: February 2019
Watty awards 2019 winner🏆 sa kategoryang Mystery and Thriller
09/30/19