RubieMonda's Reading List
4 stories
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 3: Megan, The City Lover Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 699,622
  • WpVote
    Votes 8,290
  • WpPart
    Parts 58
Isang malaking pagbabago ang nangyari sa takbo ng buhay ni Megan nang maligaw siya sa isang liblib na lugar sa Batanes. Doon ay nakilala niya si Emmanuel nang muntikan niya na itong mabangga. Sinabi ng lalaki na umalis ito sa lugar na tinutuluyan dahil wala na daw makakasama doon. Ang ikinagulat ni Megan ay walang kaalam-alam si Emman tungkol sa modernong sibilisasyon dahil simula pagkabata ay nakakulong na ang lalaki sa baryo ng mga itong hindi yata nadadaanan ng mga tao. Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi niya ito isinasama kaya napilitan si Megan na kupkupin ito at turuan ng mga bagay na hindi nito alam. Kahit na para itong isang batang babagong labas lamang sa mundo dahil sa pagkamangha sa mga bagay na moderno, nakaramdam pa rin naman si Megan ng tuwa na makasama ang lalaki at maturuan. She wanted him to learn different things para magawa na nitong buhayin ang sarili at tumayo sa sariling mga paa. Pero bakit minsan ay mas gusto ni Megan na patuloy lang sumandal at manatili sa tabi niya ang lalaki? Masyado na ba siyang nawili na makasama si Emman kaya ayaw niya na itong pakawalan?
His Dream Bride by Nicka_Gracia
Nicka_Gracia
  • WpView
    Reads 139,775
  • WpVote
    Votes 1,789
  • WpPart
    Parts 14
The third story of the Happy Boys. :)
Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel Meneses by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 82,244
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 10
Noon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kontra. Ang mas kinaiinis pa niya dito ay parang hindi ito nagsasawa sa pang-aasar nito sa kanya. Hindi lang iyon, naiinis din siya dito dahil guwapo ito, mabait at sobrang maalalahanin. Mga ugali nitong kayhirap balewalain. Laking gulat niya ng isang beses ay lumapit ito sa kanya at nagsabing manliligaw. Noong una ay inakala niyang biro ito, ngunit kinagabihan ay personal na humarap ito sa kanya at sa mga magulang niya. At sa pagdaan ng mga araw, pinatunayan nito ang katapatan nito sa kanya. Hanggang sa unti-unti ay mahulog ang loob niya dito. Ngunit hindi niya inaasahan na may magbabalik mula sa nakaraan niya, si Robert. Ang kanyang first boyfriend. Ngunit sa pagbalik nito, ay siya naman biglang pag-iwas sa kanya ni Mark at tuluyang paglayo nito. Bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na mahal na niya ito.
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 83,207
  • WpVote
    Votes 1,299
  • WpPart
    Parts 10
"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging successful at maging masaya. Dahil simula ng mamatay ang Mama niya, at muling mag-asawa ang Papa niya. Tila naging malabo na ang pangarap niyang iyon. At tila lalo siyang nawalan ng pag-asa ng sumunod na pumanaw ang Papa niya. Naiwan siya sa Stepmother niya, na parang tunay na anak na ang naging turing sa kanya. At sa anak nitong babae at itinuturing niyang Ate. Ngunit simula noon, hindi na maganda ang relasyon nila ng Ate niya. Madalas siyang mapahamak ng dahil dito. Inaagaw ang lahat ng para sa kanya. Pero hindi siya lumalaban dito. Ang madilim niyang mundo ay tila biglang nagliwanag ng makilala niya si Karl. Ito ang may-ari ng Bar na pinapasukan niya. At lalo pa silang naging malapit sa isa't isa ng manalo siya ng kotse sa Mondejar Cars Incorporated. Sa pagdaan ng mga araw, tumibok ang puso niya para dito. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kulay ang buhay niya. Para lamang masaktan, dahil ng makilala nito ang Ate niya, dito ito naging interesado. Pero dumating ang araw na kinailangan niyang umamin sa damdamin niya dito. Isang bagay na hindi niya alam kung dapat niyang pagsisihan, dahil iyon ang naging daan para lumayo si Karl sa kanya. Hanggang kailan ba niya kailangan umiyak? Hanggang kailan ba siya masasaktan?