enzopadilla_
- Reads 18,933
- Votes 904
- Parts 59
Sa gabi ng pulang buwan, habang nilulusob ang Kaharian ng Maharlika, isang pagtataksil ang naganap. Lihim na ipinagpalit ni Prinsesa Mandara ang tunay na prinsipe, si Lakan, sa anak ng isang alipin - isang hakbang na ginawa niya upang maagaw ang trono, na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng tunay na reyna
Lumaki si Lakan sa kahirapan, nagtitinda ng mga pampalasa at kampilan sa pamilihan, na hindi alam na siya pala ang tunay at hinirang na prinsipe ng Maharlika. Samantala, si Soham - ang huwad na prinsipe - ay namuhay sa karangyaan. Ngunit pinagtagpo sila ng tadhana nang makita ni Soham si Lakan sa pamilihan, agad siyang nabighani sa angking kakisigan nito. Nagpanggap siyang isang pangkaraniwang tao at araw-araw na dumadalaw kay Lakan, hanggang sa sila'y nagkamabutihan at naging magkasintahan.
Ngunit sinubok ang kanilang pagmamahalan nang unti-unting mabunyag ang mga lihim. Sa oras na malaman ng isa na siya ang tunay na tagapagmana, at ang isa naman ay isang huwad - kakayanin ba nilang manatili sa isa't isa? At kung ang isa sa kanila ay itinakdang mamuno sa Maharlika, paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig sa gitna ng digmaan, ambisyon, at kapalaran?
Ang Dakilang si Lakan ay isang epikong kwento ng pag-ibig, digmaan, pulitika, pagtataksil, at kasaysayan - itinakda noong ika-pitong siglo sa malaking bahagi ng Luzon, na noon ay kilala bilang Kaharian ng Maharlika, isang isla na bahagi ngayon ng Pilipinas.