PHR Wedding
5 stories
Wedding Girls Series 06 - YSABELLE - The Makeup Artist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 110,310
  • WpVote
    Votes 2,903
  • WpPart
    Parts 14
"I asked you about love at first sight. Tinanong kita kasi ako rin, hindi ko alam kung totoo ba iyon. But when I met you, naniwala na akong totoo nga iyon. I love you, Ysa. I really do." ***** Si Ysabelle, maganda at dagsa ang manliligaw. Pero ni minsan, hindi pa nagka-boyfriend. Paano, bago kilatisin ang lalaki, inuuna pang magtaray at mang-basted. Tanging siya lang ang nakaalam kung bakit. Enter the Mr. Tall, Gorgeous and Playboy. Si Jonas Sta. Ana. Hindi pa man niya ito nakikilala ng personal, alam na niyang palikero ito. Bakit hindi, kaibigan yata niya si Shelby na kapatid nito na siyang nagsasabi kung gaano kahilig sa babae si Jonas. Siyempre, basa agad ang papel nito sa kanya. Kaya nang una niya itong makita, kahit unat na unat ang barong nito bilang best man sa kasal ni Shelby at nagpapa-cute sa kanya, kibit lang ng balikat ang reaction niya. Pero hindi pala kasing-simple lang ng pagkikibit-balikat ang pag-iwas ay Jonas. Dahil sa pangalawang beses niya itong makita ay natuklasan niyang hindi effective dito ang katarayan niya. At sa pangatlong beses, tila napaulanan na siya ng karisma nito. At bandang huli, sa wari ay lumipad na sa bintana ang sabi niya sa sarili na babastedin niya ang lahat ng lalaking magkakainteres sa kanya. Totoo pala ang kasabihan. There's always an exception to the rule. Sa kaso niya, si Jonas Sta. Ana iyon.
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 180,107
  • WpVote
    Votes 4,877
  • WpPart
    Parts 25
"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap ni Marcus ang isang Valentine card na hindi niya ipinadala subalit ang nakasulat ay ang totoong laman ng puso niya: she wanted Marcus to be her valentine and first kiss. Nasunod ang unang kahilingan niya. Marcus gave her the experience of first date. Subalit hindi siya nito pinatulan upang maranasan ang isang halik. Ang pangako nito: someday. Iyon ay kapag hindi na siya ganoon kabata o kaya ay kapag tumuntong na siya sa disiotso. At sa kondisyon na si Marcus pa rin ang crush niya. Subalit pagkatapos nang gabing iyon ay bumilang ng mahabang taon bago sila muling nagkita. At bagaman natanto niya na si Marcus ay nanatili pa ring espesyal sa kanyang puso, hinding-hindi naman niya magagawang ipaalala dito na mayroon pa siyang isang kahilingan na hindi nito napagbibigyan. Because was now engaged to be married to someone else. Pero bakit buhat nang muli niya itong makita ay siya mismo ang hindi mapakali?
Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The Florist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 162,401
  • WpVote
    Votes 4,124
  • WpPart
    Parts 24
"Kissing you made the difference, Calett. It stirred all the dormant emotions in me. Emotions that I didn't know I possessed until you made me realize they exist. I didn't know what I'm missing until I kissed you." Si Scarlett - gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Chad O'Hara-para lang matuloy ang obsesyon niya na maging Scarlett O'Hara ang pangalan niya. Si Rod - gagawin niya ang lahat para lang alaskahin si Scarlett. Mientras nakikita niyang napipikon ang dalaga, ang saya-saya niya. Si Scarlett uli - hindi niya kailangan si Rod sa buhay niya. Ni hindi niya ito itinuturing na kaibigan-asungot sa buhay niya manapa. Mula't sapul ay alaga na siya nitong buwisitin. Hanggang sa isang araw ay sumagad ang pagkapikon niya sa binata at binuhusan niya ito ng isang pitsel ng juice. Hindi nagalit si Rod. Bagkus ay hinalikan siya. And oh, that kiss felt sooo sweet she almost forgot her name. At nagbago ang lahat kina Scarlett at Rod...
Wedding Girls Series 03 - GERALDINE - The Cake Architect by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 202,511
  • WpVote
    Votes 5,250
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi mo ako nabunggo at muntik nang mabuhusan ng kape, I wouldn't know you exist. I wouldn't have met you. And I wouldn't fall in love this way." Sa pagkakaalam ng pamilya ni Geraldine, her fiancé was Matthew Beltran. Handsome, rich, caring, loving at kung anu-ano pang magandang katangian. Of course, her fiancé was the best-dahil gawa-gawa lang naman niya iyon para tigilan na siya ng kanyang pamilya sa pagrereto sa kanya ng kung sinu-sinong lalaki. Kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang nabasa lang niya sa isang resibo ay hindi niya alam. Until one fine day. Nakabangga niya si Matthew Beltran. He was handsome. At sa pagdaan ng araw, nadiskubre niya, he was also friendly, caring, and gentle. She thought he was also rich. But was he also loving? She wished he was-kasi nai-in love na siya sa totoong Matthew Beltran...
Wedding Girls Series 02 - LORELLE - The Jeweler by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 274,504
  • WpVote
    Votes 6,807
  • WpPart
    Parts 23
What happened between Zach and Lorelle was a night of magical romance and passion. Nang umagang mahimasmasan si Lorelle ay agad siyang tumalilis at iniwan ang tulog na tulog pang si Zach. Subalit oras lang ang lumipas at nasundan din siya nito. "Sana hindi ka na nagpunta pa rito. Ayaw na kitang makita." "After what happened?" Kumunot ang noo nito. "Especially because of what happened," pakli niya. "What if I offer you marriage?" "Huwag kang magpatawa, Zach. Hindi ka nakakatawa," she laughed blandly. "You don't really know me. What if committed na rin ako sa iba kagaya mo? What happened was pure recklessness." "What if I made you pregnant?" he said bluntly. Think, Lorelle. Think fast. "It's impossible," wika niya pero kinabahan din. He looked at her intently. "Sigurado ka? If you get pregnant, tell me, okay?" Tumawa siya nang bahaw. "Sinabi na ngang imposible, eh." "Basta, I want to know."