katzaky_
- Okunma 1,621
- Oy 970
- Bölüm 27
Akala ni Harrysen Bautista, simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya kay Mandyzon McBride ang babaeng una niyang inakalang pinsan lamang ng kanyang matalik na kaibigang si Kriston. Ngunit habang mas lalo silang nagiging malapit, hindi niya namalayang nahulog na pala ang puso niya sa taong itinuring niyang kaibigan. Sa kabila ng takot na ma-friendzone, umamin siya... para lamang malaman na may ibang mahal si Mandy.
Lumipas ang mga taon at sinubukan ni Harry na baguhin ang sarili niya para tuluyang makalimot. Ngunit paano kung sa kabila ng lahat ng pagbabago, si Mandy pa rin ang hindi niya kayang alisin sa puso niya? At paano kung sa pagbabalik nila sa isa't isa, mapansin niyang may nararamdaman na rin ang dalaga para sa kanya pero may kasintahan na ito?
Sa pagitan ng pagmamahal at konsensya, kailangan bang ipaglaban ni Harry ang damdaming matagal niyang itinago, o matuto na lamang siyang bumitaw? Dahil paano kung ang taong pinakamamahal mo ay siya ring taong hindi mo maaaring angkinin?