LanieErlano's Reading List
119 stories
Camp Speed Series 8: The one who holds my heart [Published Under PHR] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 35,237
  • WpVote
    Votes 578
  • WpPart
    Parts 11
He still has the power to make her heart skip a bit. College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa't-isa. Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito. Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi. Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!
My Fantasy, My Reality (PHR 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 72,704
  • WpVote
    Votes 1,611
  • WpPart
    Parts 10
Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siya. Itinuring na lang niyang isang business deal ang lahat dahil parehong makabubuti sa mga pamilya nila ang pag-iisang-dibdib na iyon. Walang mawawala sa kanya kung papayag siya. Ngunit ilang linggo bago ang nakatakdang pagkikita nila ng mapapangasawa niya, bigla niyang napagtanto na may mawawala pala sa kanya. Dahil nakilala niya si Ulan at binagyo nito ang nananahimik niyang puso...
Once Upon A Time by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 204,620
  • WpVote
    Votes 1,041
  • WpPart
    Parts 6
"Ayoko na hahawakan mo ako 'tapos bibitawan mo rin. It's either you hold me forever or you let me go now." Everybody thought Selena's life was perfect. Nasa kanya na kasi ang lahat: fame, power, beauty, and Adam-the man she had always loved since she was five. Pero hindi. Dahil ikakasal man sila ni Adam, arranged marriage lang iyon. Ni minsan, hindi niya naramdaman na mahalaga siya sa kanyang fiancé. Si Dean, ang executive assistant ni Adam ang parating to the rescue sa kanya at ang ipinapadala ng fiancé tuwing may date sila at busy ito sa trabaho. Until one day, Selena fell in love with Dean. And she was happy. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagmahal siya at mahal din siya. It was supposed to be the start of their beautiful story. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nobody approved of their love. Nagpasya silang lumayo. Pero sa pagtakas nila, naaksidente si Selena at nagkaroon ng amnesia. Paggising niya ay hindi na nila maalala si Dean. All she could remember was her life before Dean came-happily engaged to Adam, her Prince Charming. Dean didn't know just how long he could endure it. Hindi niya alam kung kakapit pa o bibitaw na. Could they still have their once-upon-a-time moment? Available din po sa wattpad ang series 6 ng The Present. Here is the link: https://www.wattpad.com/story/191400857-i-can%27t-say-i-do-completed
I Love You, My Darling Ogress by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 171,031
  • WpVote
    Votes 1,004
  • WpPart
    Parts 5
"Kung mahal mo talaga ang isang tao, walang lugar para sa 'I love you but you deserve someone better.' Dahil kung totoo ang nararamdaman mo para sa kanya, you will become that someone better." (Published Under Precious Pages Corporation) Ginusto ni Trixie na pansamantalang makatakas mula sa magulong mundo ng pagmomodelo kaya bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon. Pero malayo sa peace of mind na inaasahan ang sumalubong sa kanya nang isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang si Alaric Montero. Iginiit pa ng lalaki na fiancé niya ito. Trixie felt like the whole world was spinning right in front of her eyes. Natagpuan na lang niya ang sariling nakakompromiso ang isang buwan na bakasyon niya kasama ang pinakaarogante at pinakaimposibleng lalaking nakilala niya. Pero sa mga araw na kasama niya si Alaric, naranasan niya ang maging masaya. Sa tulong nito, unti-unting nanumbalik ang sigla ni Trixie at nagawa niyang makaahon mula sa kalungkutan. Pero sa huli, kailangan niyang bitawan si Alaric dahil set-up lang pala ang lahat. She was a victim of misidentity...
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 146,287
  • WpVote
    Votes 3,232
  • WpPart
    Parts 23
"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when you were younger and you had sworn to hate the guy for the rest of your life. Kaya naman nang sabihin iyon ni Menriz, ang bagong boss ni Anikka, nang muli silang magkita pagkalipas ng ilang taon ay nawindang ang buong sistema niya. Pero hindi pa ito nakontento roon. Sa araw-araw ay hindi ito pumapalya sa pagpapapansin sa kanya. Until he finally confessed his feelings towards her. Matagal na raw may gusto si Menriz sa kanya at ngayong bumalik na siya, sisiguruhin daw nito na magugustuhan din niya ito! Pero imposible iyon. Dahil nang nakawin ni Menriz noon ang first kiss niya, ipinangako ni Anikka sa sariling kamumuhian ito habang-buhay. Pero bakit hindi niya maipaliwanag ang kakaibang tibok ng puso tuwing napapalapit siya rito? At bakit parang lumilipad ang iba niyang problema at si Menriz na lang ang pumupuno sa magulong isipan niya? The world must be ending!
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 134,265
  • WpVote
    Votes 2,444
  • WpPart
    Parts 13
This is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are already published. This series is about five boys and their journey to find their one true love. RANDY stands for each heroes name. R - Russell A - Antonio Carlos or Ace N - Nicandro or Nico D - Dash Angelo or Dash Y - Yvo Israel or Yael Book 1: My Enemy, My Dream Girl - Dash and Jane Book 2: Loving A Stranger (Somebody's Me) - Nico and Cha-Cha Book 3: From Hongkong with Love (At Last!) - Russell and Grace Book 4: Faraway - Ace and Rose Book 5: Destiny - Yael and Maggie
RANDY's Sweetheart 04: Faraway by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 160,648
  • WpVote
    Votes 2,955
  • WpPart
    Parts 23
Aminado si Rose na hindi siya maganda o sexy. Utak lang ang mayroon siya pero himala ng mga himala, mahal na mahal siya ng kababatang si Ace na isa sa mga pinakasikat na estudyante sa Raleigh University. Naging pormal ang kanilang relasyon noong 18th birthday niya, kaya lalong dumami ang kanyang haters-may hate club siya na "We Hate Rose!" ang slogan. Galit na galit din sa kanya ang ina ni Ace. At siyempre, hindi mawawala ang mga negatibong komento na nakukuha niya dahil sa kanyang hindi normal na pamilya, lalo pa at gay couple ang dalawa niyang ama at wala siyang nakagisnang ina. Pero sa kabila ng lahat, kahit kinakalaban si Rose ng buong mundo, araw-araw ay ipinapadama sa kanya ni Ace kung gaano siya nito kamahal. Ipinaglalaban siya ng binata, kahit sa sarili pa nitong ina. Isa lang ang ipinapakiusap nito sa kanya-ang mangako siyang hindi bibitiw sa kanilang relasyon at hindi ito iiwan anuman ang mangyari. But a tragedy made Rose break her promise. Kinailangan niyang lumayo.
RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 99,753
  • WpVote
    Votes 1,818
  • WpPart
    Parts 12
This is the second book. Please meet Nico and Cha-Cha and enjoy Japan! :) "Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na darating din ang araw na magtatagpo ang mga landas natin." Pumunta si Cha-Cha sa Tokyo para sorpresahin ang boyfriend niyang si Edmond na ipinadala roon ng kompanyang pinagtatrabahuhan para sa isang two-year extensive training. Hindi niya alam na pagdating doon ay siya pala ang masosorpresa. May iba na palang karelasyon si Edmond. And he was gay and in love with another man! Pakiramdam ni Cha-Cha ay natapakan ang pagkababae niya. Hindi siya makapaniwalang lalaki rin ang mahal ng salawahang boyfriend. She was hurt and devastated. Sa panahong iyon ay nakilala niya si Nico Onofre. Tulad niya ay may masakit ding pinagdaraanan ang binata dahil naman sa pagkamatay ng ina nito. It was a week of unexpected bliss with Nico. At hindi inakala ni Cha-Cha na sa loob ng napakaikling panahon ay makakalimutan niya ang mga ginawa ni Edmond at mamahalin si Nico nang buong puso. Pero hindi na nga yata siya natuto. Dahil sinaktan din siya ni Nico at iniwang luhaan at mag-isa sa Japan.
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 165,378
  • WpVote
    Votes 2,569
  • WpPart
    Parts 12
"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Kaya naman nag-init ang kanyang ulo nang parang may sakit siyang iniiwasan ng probinsiyanong transferee na si Raymond Angeles. He was one gorgeous hunk that caught February's attention. Sunod siya nang sunod sa binata na hindi pa nangyari kahit kailan. Nasaktan siya nang sabihan na parang asong bubuntot-buntot kay Raymond kaya nagalit siya at binalak na gantihan ang binata. But he became her unexpected hero in a school dance. At himala ng mga himala ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging close. Pero hindi iyon tumagal, umalis si Raymond na galit dahil sa maling akala na pinaglaruan niya ito. Limang taon ang lumipas at muling nagbalik si Raymond. He was now a famous swimmer. Baliktad na ang kanilang mundo, mahirap na si February. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakikipaglapit sa kanya si Raymond na para bang hindi siya iniwan noon. And how can she stop herself from falling in love with him all over again?
RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 84,834
  • WpVote
    Votes 1,545
  • WpPart
    Parts 13
Meet Russell and Grace and see Hongkong! Marahil ay nakatakda si Grace na mag-isa kaya sa simula pa lang ay sinanay na siya ng tadhana upang mamuhay nang mag-isa. Karamihan sa mga taong minamahal niya ay iniiwan siya. Matagal nang ulila si Grace at ang kaisa-isang taong kumupkop sa kanyaang lolo niyaay hindi nagtagal at iniwan din siya. Ang mga lalaki namang nagdaan sa kanyang buhay ay bigla na lamang naglalaho. Sa kabila ng mga dinanas na pagkabigo, muling nakatagpo si Grace ng hindi inaasahang pag-ibig sa katauhan ni Russell nang lumipad siya patungong Hong Kong para sa kasal ng isang kaibigan. Si Russell ang nagbalik ng kulay sa kanyang mundo, ang lalaking nagparamdam na hindi siya nag-iisa o mag-iisa. Pero matatanggap kaya ni Russell ang lihim niya na mismong dahilan ng paglayo ng mga lalaking minahal niya?