nove's Reading List
66 stories
One Night With Mr Gorgeous_Complete by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,092,202
  • WpVote
    Votes 23,254
  • WpPart
    Parts 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
Les Hommes d' Affaires Series 1 - Marvey Zablan by Ryzfair30
Ryzfair30
  • WpView
    Reads 9,889
  • WpVote
    Votes 166
  • WpPart
    Parts 13
A Novel By Sharmaine Galvez "I know a sure investment when I see one. At noong nakita kita, alam kong habang-buhay akong magiging masaya kasama ka dahil ikaw ang pinaka-magandang pinuhunanan ko." Hindi makapaniwala si Apple na kasama niya sa Boracay si Marvey Zablan. Ang sabi nito ay mag-stay raw siyaon pagkatapos ng show niya kahit overnight lang para makapag-relax daw siya. How could she say "no" to him? ito ang newly appointed president and CEO of Zablan Music, ang kompanya kung saan siya nakakontrata bilang singer. Ipinakansela nito ang show niya sa Malate kinagabihan para mapapayag siya. Pinaalis pa nito ang private plane na dapat ay sasakyan niya pabalik sa Maynila kasama ang lahat ng production staff. At the back of her mind, she knew he was up to something. Pero hindi na siya binigyan nito ng pagka- kataong malaman kung ano iyon. Because he outrightly seduced her. At ang problema, nagpa-seduce naman siya. ©️ Sharmaine Galvez PHR
Les Hommes d' Affaires Series 2 - JP Moralde by Ryzfair30
Ryzfair30
  • WpView
    Reads 7,574
  • WpVote
    Votes 129
  • WpPart
    Parts 12
A Novel By Sharmaine Galvez "Kung aalukin kitang maging supplier ko ng halik, tatanggapin mo ba? Walang kontrata. Valid until you like it." Simple lang ang buhay para kay Pamela at sa kapatid niyang si Atong. Nagluluto siya ng binatog at cornick at iyon ang itinitinda nila. Hanggang dumating sa buhay nila si JP Moralde. Inalok siya nito para maging supplier ng cornick para sa tindahan nito. Siyempre pa'y pumayag siya dahil karagdagang kita rin iyon para sa kanya. Ang akala niya ay business relationship lang ang namamagitan sa kanila. Pero hindi niya ina- asahang mahuhulog ang loob niya rito. At hindi nakatulong ang isa pang business proposal nito sa kanya. "Payag ka bang maging supplier ko ng halik?" ©️ Sharmaine Galvez PHR
Ngayon Ang Panahon Para Ibigin Ka - Pilar I. Magarro by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,096
  • WpVote
    Votes 103
  • WpPart
    Parts 10
No one had ever touched her that way before. "I want you, Angie." Tila ito mahihirinan. "And I want you, too." Muli nitong inilapat ang mga labi sa kanya, naging more passionate and demanding. Ngunit naglaho ang lahat nang narinig niya itong nagsalita. "What the hell..?" Bigla itong bumangon. "Get up, Angie, and go home!" Sandali siyang natulala bago dahan-dahang bumangon. Sa laking kahihiyan ay halos takbuhin niya ang daan patungo sa kanila. What a fool she had been!
Driver Ko, Mahal Ko - Kooch Mapua by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 5,059
  • WpVote
    Votes 112
  • WpPart
    Parts 10
"Ngayon alam kong mahal mo ako dahil narito ka sa lugar kung saan kita unang hinalikan at hindi ka tumanggi. At huwag na huwag mo akong tatanggihan if I ask you to marry me. "Taxi!" Tumatakbong lumapit si Alvaro sa sasakyan. Napalunok si Ceejay nang makita sa rearview mirror niya ang guwapong mukha ng kanyang pasahero. "Pare, Intercon tayo. please." Parang may bumara sa lalamunan ng dalaga, kasabay ng malakas na pagdagundong ng kanyang dibdib nang marinig ang baritono at lalaking-lalaking tinig nito. Sino ba'ng hindi matutuliro sa lalaking sakay? Tila prinsipe itong matikas ang pagkakaupo. Almond-brown ang mga mata, perpekto ang hugis ng ilong, at mapupula ang mga labi. Mistulang hulog ng langit ang kakisigang iyon! Pare? Napagkamalan na naman siyang lalaki. Tila ibig maghimagsik ng kanyang kalooban. Gusto niyang malaman ng guwapo niyang pasahero na certified babaing-babae siya!
Make - Believe Lover by Severino918
Severino918
  • WpView
    Reads 40,995
  • WpVote
    Votes 861
  • WpPart
    Parts 13
"Hindi mo masusunod 'yong Standards na ginawa mo para sa lalaking mamahalin mo. Unang-una, 'yong isip mo ang gumawa ng criteria na 'yon. Nawala sa isip mo na hindi naman isip ang nai-in love kundi ang puso."
Secrets ( Love in the Dark) - Sheryll Barredo by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 7,663
  • WpVote
    Votes 86
  • WpPart
    Parts 11
Makalipas ang dalawampung taon ay muling nagbalik sa Pilipinas si Katriel upang personal na makilala ang kanyang abuela. Sa kanyang pagbabalik ay maraming lihim at mga komplikadong bagay ang natuklasan niyang hindi niya alam na maghahatid pala sa kanya sa kapahamakan. Sa kabila ng mga pagbabanta sa kanyang buhay, lagi namang may isang tao na laging nasa likod niya-ang guwapo at simpatikong si Kraig. Sa mga nangyayari sa kanyang buhay, hindi niya inaasahang tuluyang mahulog ang loob niya rito. At iyon ang problema niya. Kung magtapat kaya siyang pag-ibig dito, mananatili pa rin kaya ito sa tabi niya?
Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie Roxas by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 22,471
  • WpVote
    Votes 327
  • WpPart
    Parts 12
Nangarap siyang sumikat bilang reporter. Ang puhunan niya' y tapang at lakas ng loob. Hanggang sa makunan ng camera niya ang isang pangyayaring mag-aakyat sa kanya sa tagumpay-iyon ay kung makalulusot siya ng buhay sa mga humahabol sa kanya. Nag-alok ng tulong ang suplado subalit guwapong si Attorney Leelan Fregillana. At wala siyang mapagpipilian kundi ipagkatiwala ang buhay niya rito. Subalit kaya rin ba niyang ipagkatiwala ang puso sa guwapong abogado, na ngayo'y nanganganib na mahulog sa mga kamay nito?
HEIRLOOM: Love and Antiques (Book 3) by: Nicka Gracia by Jieseru02
Jieseru02
  • WpView
    Reads 1,852
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 11
Natagpuan ni Gauis ang nawawalang heirloom ng pamilya nila sa kamay ni Lavender, Isang manunulat na may-ari ng isang antique shop. Sinubukan niyang bilhin dito ang heirloom pero sinabi nitong hindi iyon ipinagbibili. Mahalaga raw iyon sa pamilya nito at ipinamana iyon sa ama nito. Nakahanda si Gauis na gawin ang lahat upang makuha ang heirloom. At nakaisip siya ng isang magandang plano. Ang perfect plan: kukunin niya ang loob ni Lavender hanggang sa ibigay nito sa kanya ang heirloom. Sa kasamaang-palad, habang nakakasama niya si Lavender ay nahuhulog na ang loob niya rito. Sa huli, hindi na rin niya binalak na bawiin pa rito ang bracelet. Sasabihin na sana niya rito ang totoo, pero naunahan siya ng isang taong magsabi rito. Walang iba kundi ang nobya niyang si Julia!
Sinungaling Mong Puso - Jennie Roxas by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 20,359
  • WpVote
    Votes 255
  • WpPart
    Parts 10