The Jerk's Crush (Filipino) (ON-HOLD)
dgkitten
- Reads 16,584
- Votes 485
- Parts 6
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa bulok na kukote ni Reese at isinama pa ako sa picnic date nila ng isang-ihip niyang boyfriend na si Arthur. Isang ihip ang tawag ko dito dahil mukha itong straw; payatot at masyadong makinis.
May lihim na poot siguro ang bestfriend ko sa akin at balak ipamukha sa akin ang pagiging single, NBSB, at forever third wheel ko. Napalabas ang mga pangil ko nang magsubuan pa ng spicy curly fries ng KFC ang mga walang hiya.
Minsan sa buhay, may mga bagay talaga na kailangan nating pigilan, lalo na't kung wala itong maidudulot na maganda 'pag pinakawalan. We needs a lots of self-controls, and also remote-controls.
Pero minsan, we should also learn how to lets go. That's why at this moment, I will finally lets go.
"Ah, Reese, beshie, wait lang ha. Balik lang ako."paalam ko sa dalawang naghaharutan.
"Sure, balik ka kaagad ha." sagot nito na hindi nakatingin sa akin.
Tumayo na ako at pumunta sa likod ng pader sa 'di kalayuan. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim.
"What the fuck? Ikaw ba ang umutot? Pota ang baho!"
Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa pader habang naninigarilyo. Muntik nang mahulog ng literal ang panty kong may maluwag na garter nang makilala ito.
Si Marcus Salazar lang naman, ang ubod ng gwapo ngunit supladong drummer sa school.