The best
18 stories
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 296,501
  • WpVote
    Votes 6,761
  • WpPart
    Parts 17
Dahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Island. Gusto ni Margot na mag-spy siya sa aktor. Kaya ora mismo, lumipad siya papunta sa isla. Ang nadatnan ni Tipper doon ay isang lalaking nagpanganga sa kanya. Alberto was indeed larger than life. Tall, dark and brooding. Ang kaguwapuhan nito ay hindi dala ng matangos na ilong o ng nangungusap na mga mata kundi ng karakter. Hanggang sa ipakilala nito ang sarili. "You see, my dear Tipper, my name's 'Algernon.' Algernon Tobias Fierro, Alberto's older and more dashing brother." Biglang nagdoble ang tingin niya sa lalaki.
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 204,624
  • WpVote
    Votes 4,912
  • WpPart
    Parts 15
Ang balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa proposal para tulungan si Ronald na pagtakpan ang pagiging miyembro nito ng federasyon. Pero tinangay siya ni Robertito-ang kapatid ni Ronald. Kailangan kasi ng lalaki ng pera at ayaw aprubahan ang loan nito sa kompanyang pag-aari ng sariling pamilya. At wala itong balak na isauli siya kay Ronald hangga't hindi naaaprubahan ang loan! Sa lahat naman ng na-kidnap, si Perdita lang ang nagdasal na huwag sana siyang tubusin dahil nabighani agad ang puso niya sa kanyang abductor. At sa lahat naman ng mga kidnapper, si Robertito lang ang masama ang loob nang ibigay na rito ang ransom para sa kanya.
Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 409,977
  • WpVote
    Votes 9,611
  • WpPart
    Parts 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, saka niya natuklasan ang katotohanan-na ibinenta pala siya ng kanyang kaibigan sa lalaking pagbibigyan niya ng sulat para maging asawa nito. Sa tindi ng galit, hindi nagawang i-appreciate ni Agripina ang kaguwapuhan ni Aristeo Cuevas III. Sukdulang magkatabi na sila sa higaan ay hindi pa rin niya magawang pansinin ang pagpapalipad-hangin ni Aristeo, gayong pareho nilang alam na kahit kailan ay wala pang babaeng tumanggi rito...
MALEFICA by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 77,770
  • WpVote
    Votes 3,692
  • WpPart
    Parts 79
Ako si Frankie, anak ng Pasig, umiibig sa isang palaka. Oo, palaka na naging prinseipe'ng ubod ng guwapo. Si Tariq ng Neem Pero anak ng Pasig na buhay 'to, hindi ako ang bida sa fairy tale na ito. Si Princess 'yun. Kaklase ko nung highschool. Hindi kagandahan pero siya ang gustong pakasalan ni Tariq at gawing first lady ng Neem. At kailangan kong ilakad si Tariq kay Princess. Ang mas masaklap pa, simula nang mahawakan ko ng batong MALEFICA, nangyayari ang mga sinasabi kong masama sa kapwa. Ang kapalit, papangit ako nang papangit. As in. Ang ganda ko, konteng-konte na lang.
Wicked by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 21,107
  • WpVote
    Votes 530
  • WpPart
    Parts 5
Wala kang inasam sa buhay kung hindi ang MAGHIGANTI sa mga taong nakasakit sa 'yo...at nang dumating ang sandali ng iyong PAGHIHIGANTI.... wala na. Naka-move on na silang lahat. Ikaw na lang ang hindi.
Black Magic Woman by Rose Tan by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 702,001
  • WpVote
    Votes 11,672
  • WpPart
    Parts 44
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..." Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?
Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 303,956
  • WpVote
    Votes 7,528
  • WpPart
    Parts 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay sa kanya ni Pio ang lahat ng kailangan niya. But there was a catch: Sa ayaw niya at sa gusto, araw-araw niyang makakasalamuha si Vicente Banaag, ang lalaking kinaiinisan niya nang labis-labis. Bakit hindi? Noon ay walang awa nitong dinurog ang inosente niyang puso. Ngunit wala naman pala siyang dapat ipag-alala. Gagawin din ni Vicente ang lahat para iwasan siya. Hindi rin nito gustong makita siya araw-araw. Ang hindi nila alam, may niluluto ang Bud Brothers...
sweet periwinkle by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 94,140
  • WpVote
    Votes 3,405
  • WpPart
    Parts 37
Fernie wrote loveletters to her one true love. She signed them, Sweet Periwinkle. Secret admirer ang peg. Nabuking.
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 155,829
  • WpVote
    Votes 3,304
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinagsamahan ng dalawa. Para mapagbati niya ang mga ito, kakailanganin niya ang partisipasyon at kooperasyon ng nag-iisang anak ni Don Pepe-si Rei Arambulo, ang lalaking kaaway na niya since the dawn of her puberty. Simple lang ang plano niya. Magkukunwari sila ni Rei na may relasyon. Kapag nalaman ng kani-kanilang ama na magiging magbalae ang mga ito, imposibleng hindi mag-usap ang dalawa. Himala ng mga himala, pumayag si Rei sa plano niya. At kalamidad ng mga kalamidad, nag-uumpisa pa lang sila sa kanilang palabas ay nag-malfunction na ang puso niya- biglang tumibok para kay Rei. By the time na inia-announce na ang kanilang pekeng engagement, hindi na fake ang damdamin niyang walang katugon. It's just a broken heart. Broken hearts still beat. I'll live. Kaya?
Bonus Reads by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 3,637
  • WpVote
    Votes 161
  • WpPart
    Parts 3
slice of life. vignettes. anecdotes. something to read in between novel updates. short. easy. breezy.