PHR mixed
200 stories
Talahib 5: Minsan Isang Tag-ulan - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 911
  • WpVote
    Votes 19
  • WpPart
    Parts 7
"Minahal niya ako nang wagas... nang walang hinihintay na kapalit." Nagmagandang-loob lang si Doreen na isakay ang isang matandang lalaki na nababasa na ng ulan sa waiting shed. Si Mang Joe, pakilala nito, at matandang guwardiya sa Falcon Builders. Nag-iisa, malungkot ang buhay nito tulad niya. Naging magkaibigan sina Doreen at Mang Joe. Inatake sa puso ang lalaki sa loob ng kanyang bahay. Iyon na ang simula ng isang malaking bangungot sa buhay ni Doreen. Si Mang Joe ay hindi guwardiya kundi ito ang may-ari ng kompanya, si Matt Falcon Sr. Nalaman niyang sa kanya ipinamana ni Matt Falcon, Sr. ang lahat ng kayamanan nito sa poot nina Cleo at Jan at kahit ni Andrew. Ano ang gagawin ni Doreen - aangkinin ba niya iyon o ibabalik sa mga tunay na tagapagmana ni Matt Falcon? Then she thought she was falling in love with Jan Falcon, kahit alam niyang may asawa na ang lalaki. Pero bakit sa tuwing nagtatagpo ang landas nila ni Andrew ay tila laging may paruparo sa sikmura niya? Bakit takot siya rito, and yet at the same time felf safe with him?
Lorenzo Empire 6: Doel Andrew - The Playboy - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,720
  • WpVote
    Votes 50
  • WpPart
    Parts 20
Pagbabayarin ni Regina si Doel Andrew sa ginawa nitong panloloko sa kapatid niya. Ipararanas niya rito ang sakit na naranasan ni Devina sa lalaki. Ang mga iyon ang binuo niyang plano. Ngunit katulad ng kapatid niya, nahulog agad siya sa angkin nitong kaguwapuhan at kakisigan. Natuklasan niya ang hindi-mapigilang pangangailangan ng traidor niyang katawan kay Doel. Kaya nang alukin siya nito ng kasal, wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Ngunit hindi sila naging maligaya-dahil taglay pa rin ni Regina ang galit kay Doel. Nakatatak sa isip niya na ito ang dahilan ng pagkasira ng kanyang kapatid. Patuloy siyang inuusig ng kanyang budhi, kaya ipinasya niyang iwan ito. Subalit natuklasan niyang inosente si Doel sa mga ibinintang niya rito. Kasabay niyon ang tuluyang pagkawala ng pag-asang magkabalikan pa sila. Dahil siya ngayon ang balak nitong paghigantihan...
Talahib 2: Where It All Began - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,148
  • WpVote
    Votes 70
  • WpPart
    Parts 12
"You're selfish, Andrew. Ayaw mo akong lumigaya. Ikaw ang selfish, Jessica. Pati damdamin ko gusto mong saklawan. I should hate you... How I wish I Could..." Debut ni Jessica. Imbitado ang mga Falcon na taga-Maynila. Masama ang loob ni Jessica kay Andrew dahil sa paninikis nito sa kanya kaya itinuon nito ang buong atensyon sa kapatid nito sa ama, kay Jan. But little dis she know na talagang maakit siya nang husto kay Jan. At sinong babae ang hindi? Mula sa pamilyang Falcon, charming, handsome and debonaire. Ang hindi niya alam ay sadya siyang inakit ni Jan Falcon upang pasakitang higit ang kinasusuklamang kapatid sa labas. Subalit paano matutuklasan ni Jessica ang totoong damdamin ni Jan sa kanya gayong bawat kilos nito ay puno ng pagmamahal? Paano si Andrew?
The Gonzales-Carredano Saga 1: Sweet Attraction - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,737
  • WpVote
    Votes 62
  • WpPart
    Parts 10
Alexis Carredano. A handsome playboy pilot. Isang gigolo na tila walang pakialam sa mundo. He never took anything serious... kabilang na ang mga babae. For him, women were just playthings he could easily discard. At hindi alam ni Jessica kung paano siyang nahulog sa karisma ng binata sa kabila ng taglay nitong mga kapintasan. Walang patutunguhan ang pag-ibig niya rito. Tulad ng iba'y paglalaruan din lamang siya nito. At hindi niya dapat kalimutang ikakasal na siya.
The Gonzalez-Carredano Saga 2: Till I Met You - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,472
  • WpVote
    Votes 65
  • WpPart
    Parts 11
Jaimie Carredano-beautiful, alluring, sexy, but a spoiled rotten rich brat! Sanay siyang nakukuha ang anumang magustuhan nang walang isinasaalang-alang na damdamin. Para sa kanya, isang laro lang ang pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Dr. Bren Austria. In all her life, ngayon lang naranasan ni Jaime na mabale-wala ng isang kabaro ni Adan. Parang walang epekto ang karisma niya kay Bren. The handsome doctor was aloof and distant. At ang problema-she fell in love with him. Ano ang gagawin ni Jaime? Was there a way to win his cold heart, kung mismong ang kanyang ama ay walang tiwala sa damdamin niya sa pagkakataong ito?
For There's Only You - Antoinette by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,887
  • WpVote
    Votes 173
  • WpPart
    Parts 11
Pitong taon na ang nakalilipas nang tumakas siya sa kasal na itinakda sa kanya ng kanyang ama at pinili ang makapagtrabaho sa Texas bilang isang nurse. At sa loob ng mga taong iyon, noon lang siya umuwi. Tinapos muna niya ang kanyang kontrata at hindi na muna muling pumirma. Kumusta na kaya ang Daddy? Galit pa kaya ito hanggang ngayon? Ni isa sa mga sulat niya at tawag ay hindi nito tinugon simula nang umalis siya ng San Jose...
Man Of My Dreams 6: Mysterious Lover - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 12,466
  • WpVote
    Votes 189
  • WpPart
    Parts 22
"I'm sure na magsisisi ka, dahil makasal ka man kay Julian, ang mga yakap at halik ko rin ang hahanapin mo..." ​Ang motto ni Fiona sa buhay: mag-asawa ng milyonaryo at guwapo. But when she finally found her dream man, saka naman sumulpot sa eksena si Hendrick Moreno, makulit ngunit guwapo. A Handsome but mysterious guy. ​Hindi inaasahan ni Fiona na sa engagement party nila ng kanyang milyonaryong fiance na si Julian Zaavedra ay dudukutin siya ni Hendrick at sasabihin: Sa akin ka magpapakasal. ​Umurong sa kasal nila si Julian. Kaya t ganoon na lamang ang poot niya kay Hendrick. Dahil dito y naunsiyami ang katuparan ng kanyang mga pangarap na abot-kamay na lamang sana niya. Pumayag siya nang alukin siya ng kasal ni Hendrick. Pero para gumanti sa pagsira nito sa kanyang mga pangarap. ​At sa oras sana ng kanilang honeymoon ay tumakas siya!
Balikan Natin Ang Kahapon - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,798
  • WpVote
    Votes 117
  • WpPart
    Parts 12
Sa Ermita, lugar na dating kinatitirikan ng naggagandahan at nagtatayugang mansivon, unang nakita ni Constantina si Victor. Inibig niya ang binata, ngunit nanatiling nakatago sa dibdib niya ang pag-ibig na iyon dahil may alitan ang kanilang mga ama. Naisip niyang may tamang panahon para sa pag-ibig na iyon at maghihintay siya. Darating ang panahon at magigiba rin ang mataas na pader na naghihiwalay sa kanilang mga tahanan. Ngunit nagkaroon ng digmaan. Nawasak ang lugar na kinalakhan niya. Naglaho ang kayamanan ng kanyang pamilya. At ngayon ay kaharap niyang muli ang binata. Ngunit hindi na siya isang senorita kundi isa nang alila. Paano pa niya sasabihin ditong kailanman ay hindi naglaho ang damdamin niya para dito gayong hindi na lamang pader ang naghihiwaiay sa kanila kundi agwat ng estado nila sa buhay?
Man Of My Dreams 8: The Cold Hearted Hawk - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,154
  • WpVote
    Votes 123
  • WpPart
    Parts 10
Paano siya papakasal sa isang politikong napipiho niyang nakakalbo na at malaki ang tiyan? Ang pangarap niyang groom ay isang guwapo at mala-Greek god ang kakisigan. Pero wala siyang choice kundi pumayag. On one condition: He would stay out of her sa panahon ng pagsasama nila. Pumayag naman ito sa written agreement niyang no sex relationship. Upang pagsisihan niya sa bandang huli ang kasunduang iyon nang magkaharap sila ni Luke Monteblanco. Dahil kabaliktaran ng lahat ng iniisip niya ang katangian nitong taglay. Isa itong batambata at pinakaguwapo na yatang congressman. Paano pa niya babawiin ang agreement nila, ngayong siya mismo ang nanabik na sanay y maranasan niya ang makulong sa mga bisig nito?
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR by YsadoraPHR
YsadoraPHR
  • WpView
    Reads 173,046
  • WpVote
    Votes 4,485
  • WpPart
    Parts 16
"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including losing her precious virginity to a hot gorgeous man she just met in a bar. Pero biglang tumawag sa kanya ang ospital na pinagpa-checkup-an niya at sinabing mali ang naibigay sa kanyang resulta ng test, na maayos na maayos naman talaga siya! Kaya dahil sa excitement ay agad niyang hinanap si Mr. Hot Gorgeous Man na naka-one-night stand niya upang sabihin ang magandang balita. Nakita nga niya ang lalaki. May kahalikan nga lang na ibang babae sa mismong tapat ng hotel room kung saan may nangyari sa kanilang dalawa! Gusto na lang mag-move on ni Yui, pero nalaman niyang hindi lang ito magiging isang hot gorgeous man sa buhay niya but also a hot gorgeous boss na napaka-demanding. Que horror na kamalasan iyan! Published under Precious Hearts Romances last December 2015.