NOTHING SACRED BABY(Complete)
Thaifren_3
- Reads 45,475
- Votes 1,683
- Parts 36
"Please make love to me Sean," isang araw ay sinabi ni Eleven sa lalaki.
Trese anyos pa lamang siya ay malaki na ang hatred niya sa binatang si Sean. Dalawang taon ang tanda nito sakanya. Pamangkin ito ng stepfather niya at naging paborito ng mama niya kaya ganoon na lamang ang galit niya rito. Nandoong batuhin niya ito ng kaldero at walis sa sobrang inis. Kahit na kailan ay hindi niya magugustuhan ang lalaking ito!
Ngunit, nagbago ang lahat nang magsimula siyang umibig sa binata, Hanggang sa dumating ang araw na halos hingin na niya ang pag-ibig nito. Ngunit, sa kasamaang palad may nobya na at engaged na ang mga ito.
Hinding-hindi niya iyon matatanggap!
Kaya't gumawa siya ng paraan upang akitin ang binata, desperada na kung desperada--Hanggang sa nagbunga lahat ng paghihirap niya. Naging maayos ang lahat. Ngunit isang araw ay natuklasan niya ang inililihim ng binata na siyang bumago sa kanyang buhay.
Magagawa pa kayang pagtakpan ng pag-ibig ni Eleven ang sakit na dulot ng mga lihim ng binata?