B1 gang
9 stories
B1 Gang by RegzBob
RegzBob
  • WpView
    Reads 4,976
  • WpVote
    Votes 46
  • WpPart
    Parts 10
B1 Gang: Adventure and Mystery Book Series from the late 1990's up to early 2000. A remarkable book during my high school life. This is a credit for the authors and to the publisher. Dedicated for the Filipino readers. The Philippines' First and Only Young Adult Book Series in Filipino.
B1 GANG MYSTERIES Case File No.4: Hiwaga ng Nawawalang Agila by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 7,783
  • WpVote
    Votes 275
  • WpPart
    Parts 22
Endangered na nga, pinag-interesan pa! Isang mabigat na krisis ang sumira sa summer vacation nina Jo at Kiko. May grupo ng mga salarin ang nakaisip na kidnapin ang lahat ng Monkey-Eating Eagles sa Eagle Conservation Camp sa Davao City at ipa-ransom ang mga iyon sa halagang milyones! Banta pa ng grupo: aadobohin nila ang mga rare eagles kung hindi ibibigay ang hinihingi nila! Kailangang mabawi agad ang mga agila. Pero paano? Walang nakakaalam kung sino ang dumukot sa mga agila at kung saan dinala ang mga ibon! Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII) c1997
B1 GANG MYSTERIES Case File No.5: Rebulto sa Bahay na Bato by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 7,988
  • WpVote
    Votes 312
  • WpPart
    Parts 21
Rebultong naglalakad? Iyan ang nakakagulat na pahayag ng lola nina Gino at Jo. Mahiwaga raw ang malaking rebulto ng Igorot na nasa lumang bahay na nabili ng mga ito sa Sta.Cruz, Laguna. Ayaw na tuloy tumuntong ng lola nila sa bahay na bato dahil sa takot kahit pa gustung-gusto ng matanda ang lumang bahay. Hindi lang iyon, kapag sumasapit ang gabi, may maririnig pa raw na makapanindig balahibong halakhak sa loob ng bahay na bato! Haunted house nga kaya ang lumang bahay? Hahayaan na lang ba ng B1 Gang na isuko ni Lola Concha ang bahay na bato nang walang kalaban-laban? Pero paano nila mapapatunayan na walang dapat ikatakot ang matanda kung sila man ay hindi nakakasiguro na wala ngang kababalaghang nagaganap sa loob ng bahay na bato? Isinulat ni Edna Diaz C1995
B1 GANG MYSTERIES Case File No.9:  Mata  ng Diyablo by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 5,567
  • WpVote
    Votes 127
  • WpPart
    Parts 18
Mga matang apoy?! Isa-isa nang lumilisan ang mga taga-Tigaon dahil sa takot. Muli raw nagbalik ang mga matang apoy sa ilog! Ayon sa mga matatanda, ang mga bolang apoy na iyon ay mata ng diyablo at ang sinumang tumitig doon ay matutupok! Ano ang lihim ng mga matang apoy? Bakit muli itong nagpakita? Iyan ang hiwagang nais lutasin ng dating hepe ng Investigation Division ng pulisya na si Mike Rodrigo sa lalawigan ng Camarines Sur sa Bicol Region. At kung naroroon ang sikat na mamamahayag, tiyak na kasunod nito ang apat na kabataan na bumubuo ng B1 Gang. Hindi rin uurungan nina Gino, Kiko, Boging at Jo ang bagong hamon sa kanilang kakayanan kahit pa lubhang nakakasindak ito. Isinulat ni Lakangiting Garcia C1996
B1 GANG MYSTERIES Case File No.11: Diwata  ng Bulkan by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 5,065
  • WpVote
    Votes 132
  • WpPart
    Parts 23
Sinasapian ng diwata? Simpleng pagdalaw na may kaakibat na pamamasyal lamang ang sadya ng B1 Gang sa Talisay, Batangas kung saan malapit ang bulkang Taal. Pero kilala n'yo naman ang barkadang ito. Kahit ano ay maaaring mangyari. Tulad ngayon. Ginulantang sina Gino, Boging, Kiko at Jo ng mga usap-usapan na sinasapian ni Diwatang Taal ang kaibigan nilang tagaroon! May mahalagang mensahe raw ang diwata sa mga taga-Talisay kaya't walang dapat kumontra. At sinoman ang humadlang ay tiyak na mapapahamak dahil matinding mapoot si Diwatang Taal! Paano malalabanan ng barkada ang isang diwatang may kapangyarihan na magpalindol at magpaputok ng bulkan? Isinulat ni FELY VARIAS C1996
B1 GANG MYSTERIES Case File No.8 : Wildlife Detectives by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 6,215
  • WpVote
    Votes 183
  • WpPart
    Parts 23
Gorilya sa Maynila? Ang akala ng mga alagad ng batas ay simpleng kaso lamang ng drug smuggling ang kanilang nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport. Sino ba nga naman ang maghihinala na ang mga ipinasok na unggoy na kinabibilangan ng isang gorilya ay may itinatagong lihim? Ngunit nang matunugan ng B1 Gang ang kasong ito ay biglang nag-iba ang lahat. Mitsa lamang pala ang gorilyang si Gorio ng higit na masalimuot na krimen. Isang uri ng krimen na ang biktima ay kalikasan! Isang kasong nagmula sa Africa, nabuo sa Pakistan at pumutok sa Maynila ang susuungin ngayon nina Gino, Boging, Jo at Kiko. Samahan ang barkada na iligtas ang mga kawawang hayop mula sa bodega ng tusong si Mr. Wong. Makihabol, magmanman at makipagtuos din kayo sa kalaban ni Inang Kalikasan. Sa madaling salita, maging isang... wildlife detective! Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII) C1996
B1 GANG Case File No. 14: Misteryo ng Gintong Barko by gikijobogs
gikijobogs
  • WpView
    Reads 3,803
  • WpVote
    Votes 33
  • WpPart
    Parts 7
Isang trahedyang paglubog ng barko. Isang misteryosong gintong simbolo. Isang alamat na matagal nang bumabalot sa karagatan! Nang matagpuan ang mga labi ng MV Doña Paz na may kakaibang marka, alam ng B1 Gang na ito ay hindi lang basta nawawalang bagay-ito ay simula ng isang hindi kapani-paniwalang pak adventure! Sila ay nalulugmok sa isang sapot ng mga misteryo na konektado sa alamat ng Gintong Barko, isang kwento ng isang multong barko na may nakatagong layunin. Sa "Misteryo ng Gintong Barko," kakailanganin nilang harapin ang mga hamon na mag-uunat ng kanilang kaalaman sa lokal na kultura at ang kanilang husay sa pagsisiyasat. Tara na, simulan na natin ang kasong ito! Ang iyong susunod na pakikipagsapalaran ay naghihintay!
B1 GANG MYSTERIES Case File No.7: Maskara ni Longino by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 5,883
  • WpVote
    Votes 229
  • WpPart
    Parts 21
Kahit semana santa ay hindi na iginalang ng mga masasamang-loob. May nagnakaw sa sinaunang maskara ni Longino! Paano na itutuloy ang Moriones Festival? Akala ng B1 Gang ay isang tahimik na bakasyon sa lalawigan ng Marinduque ang kanilang gagawin. Pero kilala naman ninyo ang apat na kabataang bumubuo sa ating barkada. Kahit yata saan sila magpunta ay nakabuntot ang misteryo at hiwaga. Ang pagkakaiba nga lang sa kasong ito ay isang linggo lamang ang palugit nila para mabawi ang maskara ni Longino. Ngunit ang matindi sa lahat ay ni hindi nila alam kung sino ang nagnakaw. Malay ba nila kung kasambahay nila ang salarin at namamatyagan pala nito ang bawat kilos na ginagawa ng barkada! Isang linggong adventure ang kasong ito na nawawalang maskara ni Longino. Bawat araw ay nakikipagtunggali ng husay at talino ang B1 Gang laban sa mga tusong salarin. Isinulat ni JOSE RAMIL LOGMAO C1995
B1 GANG MYSTERIES Case File No.10: Aswang sa Hatinggabi by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 14,199
  • WpVote
    Votes 253
  • WpPart
    Parts 23
Niluray ng aswang? Anim na kambing ni Lolo Hugo ang sa isang iglap ay nilapa ng aswang! Iyan ang nakakagitlang balita na natanggap ng B1 Gang mula sa lalawigan ng Zambales. Sa makabagong panahon ng computers at cyberspace, tila nakapagtataka na patuloy pa rin ang mga balita tungkol sa aswang. Totoo nga bang may aswang? Kung hindi nama'y anong uri ng nilalang ang lumuray sa mga kambing at kainin pati ang laman-loob ng mga iyon? At paano mapapatunayan nina Gino, Jo, Kiko at Boging na kathang-isip lamang ang mga aswang gayong sila man ay nakasaksi sa mahiwagang pangyayari? E, ikaw? Naniniwala ka ba sa aswang? Isinulat ni JOEY E. ALCARAZ C1996