MaricelBolongaita's Reading List
32 stories
To Have and To Hold, From This Day Forward (Wedding Vows) by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 123,651
  • WpVote
    Votes 3,486
  • WpPart
    Parts 26
To Have and To Hold Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay isang salita lang ang kanyang naisip: wonderful! Ipinagpipilitan ni Vince na kasalanan niya ang isang aksidenteng nangyari eight months ago. He was a thirty-four-year-old widower at ang kaisa-isang anak nito ay namatay pa sa aksidenteng iyon. Vince wanted her to pay for it. Ayaw ni Maurin na mademanda. She was a teacher at reputasyon niya ang nakataya. Hindi rin naman balak ni Vince na dalhin pa sa korte ang problema. There was only one solution in his mind. "You killed my son," sabi nito na puno ng akusasyon. "You must bear me another son." ------- From This Day Forward Theirs was a whirlwind romance. Nasa kanila na yata ang titulong "Shortest Engagement of the Entire Romance History." Pakiramdam ni Kristel ay wala nang pinakatama pang gawin kundi ang pumayag sa alok na kasal ni Alex. They both fell in love with each other in almost an instant. At hindi nga sila nag-aksaya ng sandali. Nagpakasal sila Soon they discovered each other's fault. Iniwan ni Kristel si Alex sa farm sa pag-asang susuyuin siya nito at hihimuking bumalik doon. Subalit nagkamali siya iba ang naiuklasan niya Alex was busy seeing his childhood sweetheart. Alex is mine! protesta ng puso niya.
PRETENDERS IN LOVE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 175,820
  • WpVote
    Votes 7,097
  • WpPart
    Parts 30
Kung may pagpipilian lang si Yssa, hindi siya uuwi sa Sto. Cristo. Kahit na nga ba kasal iyon ng stepsister niyang si Diane. Iyon nga ang mabigat na dahilan. Diane was going to marry Jonathan, her ex... er, sa mas eksaktong salita, he was her former fiancé. Mike, her best friend wanted her to go. Dahil hindi daw puwedeng walasiya sa okasyon iyon na dapat at present ang buong pamilya. Kung hindi lang awkward ang sitwasyon, natural gusto din niyang daluhan ang ganoong okasyon. Nag-suggest ito na samahan siya sa pag-uwi at magpanggap silang engaged. He even gave her an engagement ring as proof of their so-called relationship. What a moral support coming from a man best friend! Ngayon nga ay maya't maya ang tingin niya sa suot na singsing. Bagay sa daliri niya ang napakagandang singsing na iyon na hindi rin maikakaila ang kalidad. Kaya lang, may panghihinayang din siyang nararamdaman sa tuwing maiisip niyang pagkukunwari lang ang lahat.
SECOND CHANCE AT LOVE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 79,518
  • WpVote
    Votes 3,326
  • WpPart
    Parts 21
"Huwag ka nang magtrabaho, Mommy," ungot nito kanina habang nagbibihis siya. "Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman ang nagpasok sa akin." "Dati naman, hindi ka nagtatrabaho," ungol pa ni Mickey. "Malaki ka na at hindi na alagain. Kaya puwede na akong magtrabaho. 'Di ba may mga friends ka na nga na ayaw mong ipakilala sa akin?" kunwa ay sumbat niya rito. Alam niya, nagkakaroon na ng crush si Mickey. At kung hindi pa siya ang nag-ayos ng closet nito ay hindi niya madidiskubre ang pinakatagu-tagong picture ng isang babaeng kaedad nito. The girl was cute. Pamilyar sa kanya. Nakakamatay ang irap na ipinukol sa kanya ni Mickey nang tingnan niya ito mula sa repleksyon ng salamin. "Mommy, ha?" Nanggagalaiti ito. "Why deny her, darling? Wala namang problema sa mommy," madiplomasya niyang tugon. "See, you're growing up. One day, sasabihin mo na lang sa akin, you're getting married. Maiiwan na si Mommy. At least man lang may trabaho ako para hindi naman ako masyadong malungkot, 'di ba?" "You mean, you don't intend to get married again?" Nagban¬gon-sigla si Mickey. Natigilan siya. Matagal na nilang hindi napag-uusapan ng anak ang tungkol sa "pag-aasawa" niya. At matagal na ring hindi iyon sumasagi sa isipan niya. Kung hindi pa iyon nabanggit muli ni Mickey ay lubusan na nga niyang nakalimutan ang tungkol doon. "Mickey, hindi natin alam. 'Di ba, there are things that come unexpectedly?" "Basta. Sa akin, walang kapalit si Daddy." "And who told you na papalitan ko ang daddy mo? No one could replace him, Mickey. Pero, 'di ba, we could give love naman to everybody?" "Basta!" Mas may diin ang tono nito. "I don't want you to get married again."
Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2) by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 105,454
  • WpVote
    Votes 2,607
  • WpPart
    Parts 27
Dahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te-training para sa susunod na F1 race cup. Pero dahil sa pagdating ng prinsipe ng Elestia sa Pilipinas, napauwi siya ng wala sa oras. Kung hindi niya kasi gagawin 'yon ay matotorete lang siya sa pangungulit ng nakakatanda niyang kapatid, saying it's their responsibility because they're the president's daughter. On the day of her return, she met a British guy that annoyed the hell out of her. Inalis na lamang niya ito sa kanyang isipan dahil sigurado naman siya na hindi na sila muli pang magkikita. But then, on the cruise ship during the major event, muli na namang nagtagpo ang mga landas nila. Bago pa niya matanong kung ano ang ginagawa nito doon, bigla na lamang inatake ang barko ng isang grupo ng mga terorista. Sa gitna ng kaguluhan, she was thrown off the ship. Akala niya talaga ay katapusan na niya. But then, when she opened her eyes, ang una niyang nakita ay ang mukha ng nakakainis na lalaki. And both of them were in an uninhabited island. Who was this guy and what the heck was he doing on that cruise ship? But the bigger question is, could she survive seven days alone with him? Book 2 of Elestia Trilogy. Book 1 was written by Jelaine Albert and Book 3 was written by Luna King.
Hearts Never Lie #Wattys2019  | On hold by SofiaPHR
SofiaPHR
  • WpView
    Reads 62,650
  • WpVote
    Votes 1,140
  • WpPart
    Parts 31
Walang mahalaga kay Phoenix kundi ang pagiging archaeologist niya at ang pagtatrabaho sa disyerto ng Egypt. Until her worst enemy, Vance, did everything to make her stay in the Philippines and make her fall for him. Only to find out that his love is a lie.
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,119,660
  • WpVote
    Votes 26,586
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 595,621
  • WpVote
    Votes 10,768
  • WpPart
    Parts 29
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw By Victoria Amor "Kung dumating ang araw na kailangan kong pumili, paulit-ulit kong bibitawan ang lahat kapalit mo." Buong pusong tinanggap ni Gabrielle ang isang napakahirap na role-ang maging ina ni Avi na anak ng kanyang adopted sister. Sa pagtanggap niya sa role na maging ina ay kinalimutan niya ang sarili. Si Avi na ang naging sentro ng kanyang atensiyon at pagmamahal. Hindi niya gustong maranasan ni Avi ang kanyang dinanas bilang ulilang nagkaisip sa ampunan. Dumating ang panahong dumarami na ang tanong ni Avi tungkol sa tunay na ama-na sa litrato lang nila nakilala. Pagsapit ng sixth year birthday ni Avi ay hiniling ng bata na makasama ang ama. Inimbitahan ni Gabrielle si Liam De Nava ngunit hindi siya umasang darating ang lalaki. Ngunit dumating si Liam. At ang pagbabalik ng lalaki sa Pilipinas ang magpapabago ng buhay ni Gabrielle at maglalantad din sa isang lihim na ipinagkait sa kanila ng yumaong ina ni Avi...
My Heart's Perfect Match (published under PHR) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 103,231
  • WpVote
    Votes 1,926
  • WpPart
    Parts 11
Written: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marione was searching for her Romeo. Nakita niya kay DJ Dee, a love doctor who answered all the women's love problems, ang lahat ng qualities ng man of her dreams. He was perfect. He cured broken hearts. Maging ang problema niya sa puso ay naghilom din dahil sa programa nito sa radyo. She was sure she was in love with him. Hanggang sa nakilala niya si Rhyken, ang lalaking kabaligtaran ng dream boy niya. He was arrogant and he pissed her off every time they met. Ayaw niya rito. Naiinis siya kapag nakikita niya ito. He was the kind of man who didn't deserve to be loved. Pero hindi niya maiwasan ito dahil ito lang ang daan niya para makilala niya si DJ Dee. Ngunit nang araw na makakaharap na sana niya si DJ Dee, pakiramdam niya ay ayaw na niyang makita ito dahil nababaling na kay Rhyken ang pagmamahal niya.
Grow Old with You (published by PHR) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 155,537
  • WpVote
    Votes 2,555
  • WpPart
    Parts 11
Written: 2008 Published: 2009 under Precious Hearts Romances Ela hated Valentine's Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig-since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya-kanyang love life, siya ay nagmumukmok at tinatanong ang kapalaran kung kailan niya matatagpuan ang kanyang "The One." Hanggang isang araw, napansin niyang may nag-iiba sa kanya. Tinutubuan siya ng pagnanasa sa guwapong si Cyprien Sy. Nagsimula siyang maging aware dito at sa mga magagandang physical attributes nito na dati naman ay dead-ma lang sa kanya. Naiisip niya kung gaano kasuwerte ang babaeng magiging prinsesa nito sa resort na pamamahalaan nito balang-araw. Sa wakas yata ay sinagot na ng kapalaran ang tanong niya tungkol sa kanyang "The One." Okay lang sana ang lahat kung hindi lang nagkataong si Cyprien Sy ay ang kanyang best friend...
Mr. Unexpected (as published Precious Hearts Romances) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 121,951
  • WpVote
    Votes 2,403
  • WpPart
    Parts 13
Written: 2012 Published by PHR: February 2013 The Serenity Band Series Book Two - Jarvis' Story "Mahal talaga kita. Pinigilan ko, kinontrol ko at iniwasan ko, pero hindi ko nagawa dahil tuwing makikita kita, nakikita ko rin ang lahat ng rason kung bakit kailangang mahalin kita." Heather didn't know the exact meaning of love. Pero nang makilala niya ang isang Mark Jarvis Fuentes sa isang blind date ay para siyang hinampas ng pag-ibig sa kanyang mukha. He brought unexpected feelings to her-na para bang tuwing makikita niya ito ay biglang pumapasok sa isip niya ang "forever." He awakened feelings in her that she didn't know she could feel. Ang buong akala niya ay una at huling beses na makikita niya si Jarvis sa blind date na iyon. But destiny played a trick. He ended up pretending to be her boyfriend. She expected the attraction, she expected the spark, and she expected being bedazzled by his charms. Pero dapat ba niyang hayaang tuluyang mahulog ang loob niya rito?