iamJonquil
- Reads 172,485
- Votes 12
- Parts 1
Ilang beses ng isinumbong kay Yanah ng mga kaibigan niya na nagloloko ang boyfriend niyang si Symon. Ngunit sa tuwina, mas pinaniniwalaan niya ang mga katwiran ni Symon na walang katotohanan daw ang sinasabi ng mga kaibigan niyang ayaw talaga rito para sa kaniya.
Naniwala siya ng maraming beses sa boyfriend niya na hindi siya nito magagawang lokohin dahilan para mainis naman sa kaniya ang mga kaibigan niya at hindi muna siya pansinin.
Siguro nga, love is blind. Inilalatag na sa harapan niya ang ebidensiya, ayaw pa niyang paniwalaan.
Hanggang sa siya mismo ang makakita sa kataksilan ng kaniyang nobyo. Lumabas ito sa isang mamahaling restaurant kasama ang assistant nitong animo sawa na nakakapit pa sa braso ni Symon. At ang mas malala? Ni walang karekla-reklamo ang nobyo niya. Lalo na ng halikan pa ito ng assistant nito sa pisngi na animo ito ang girlfriend.
Sa halip na mag-eskandalo, agad siyang tumalikod upang hindi makita ng mga ito.
Kung nagagawang magloko ni Symon habang mayroon silang relasyon, puwes, hindi siya papayag na siya lang ang niloloko.
Pumunta siya sa isang bar at nag-inom. Doon niya inilabas ang sama ng loob. At dahil may tama ng alak, lakas loob pa niyang inalok ng isang gabi ang isang guwapong lalaki na mas lamang pa ng isang libong paligo sa gago niyang boyfriend.
Buong akala niya, tatanggihan siya niyon. Pero taliwas iyon sa kaniyang inaasahan dahil pumayag ito sa gusto niyang mangyari.
At ang pinakahihintay sa kaniya ni Symon na makuha nito ng buo? Walang angal niyang ipinagkaloob sa isang estranghero.