Camp Speed Series
3 stories
Camp Speed Series 3: My Stupid Heart [Published Under PHR] (Completed) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 48,684
  • WpVote
    Votes 695
  • WpPart
    Parts 12
"The one who loses, falls." "Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move na ako at hindi na kita mahal, ayaw makinig ng puso ko. My stupid heart won't stop loving you." Slater and Bea had a perfect relationship. They were inseparable. At nakikita na nila ang future sa piling ng isa't-isa ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay ni Bea. Kailangan niyang gumawa ng isang mabigat na desisyon. At dahil mas importante sa kanya ang makasama ang kanyang ama, pinili niyang saktan ang damdamin ni Slater at sumama siya sa kanyang ina pabalik ng Amerika. Limang taon ang lumipas at desidido siyang muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin siya nitong muli. Ngunit kung kailan ang akala niya ay nagtatagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso nito, 'tsaka niya nalaman ang plano nitong gantihan siya. Patuloy pa ba siyang aasa na mamahalin siya nitong muli o susuko na siya na muling mabihag sa puso nito?
Camp Speed Series 8: The one who holds my heart [Published Under PHR] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 35,212
  • WpVote
    Votes 578
  • WpPart
    Parts 11
He still has the power to make her heart skip a bit. College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa't-isa. Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito. Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi. Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!
Camp Speed Series 13: Why are we still friends? [Published under PHR] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 16,813
  • WpVote
    Votes 274
  • WpPart
    Parts 10
"Not that I'm afraid to fall in love. Ayoko lang talagang main-love kung hindi lang din ikaw ang pag-aalayan ko ng puso ko." Dennis loves Kath. Mula pa nang matutunan niya ang ibig sabihin niyon ay tinanggap na niya sa sarili niyang ito ang babaeng mamahalin niya habang buhay kahit na ba hindi ito katulad ng ibang babae. But she is also his bestfriend since time imemorrial. At nang magkaro'n siya ng lakas ng loob na magtapat dito sa unang pagkakataon ay tinakbuhan siya nito at iniwasan. Lumipas ang maraming taon at hindi nagbago ang nararamdaman ni Dennis para sa matalik na kaibigan but obviously, hindi pa din sila pareho ng nararamdaman. Ano kaya kung gayumahin na lang niya ito para mahalin din siya nito? O pag-selosin? O magtapat na lang siya ulit ng pag-ibig dito? Nakakabaliw naman!