Lifebooks Stories
2 stories
My Slave Heart [Published under Lifebooks] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 14,188
  • WpVote
    Votes 391
  • WpPart
    Parts 10
Naniniwala siya na darating din ang araw na mapagtatanto nitong may puwang pa rin siya sa puso nito. She will realize sooner that he's still the perfect man for her and they will live happily ever after like in fairytales. IPINAGKASUNDO ng mga magulang nila sina Nickie at Nicko kaya naman masaya si Nickie na si Nicko ng mga magulang niya na makakasama niya habang buhay, matagal na kasing iniibig ng puso niya ang binata. Kaya kahit na napaka-suplado nito at halos itaboy na siya nito ay lapit pa din siya ng lapit dito. Naniniwala kasi siyang kaya niyang palambutina ng batong puso nito. Hanggang sa isang araw ay magtagumpay siya! Or so she thought. Dahil nalaman niya na pinakikisamahan lang pala siya nito para pagbigyan ang ama nito sa kagustuhan niyon na pakasalan siya nito. Idagdag pa sa sakit na naramdaman niya ang isang katotohanang itinago sa kanya ng mismong mga magulang niya. Kaya sa sobrang galit at sakit na nararamdaman niya ay umalis siya at lumayo sa mga taong dahilan kaya siya nasasaktan. Years passed and she's doing well. May maayos siyang trabaho, tahimik ang buhay niya at masaya siya sa kung ano man ang tinatamasa niya. She's happy to be independent. Pero dumating ang araw na hindi niya inaasahan, muling nag-krus ang landas nila ni Nicko at nangako ito sa kanya na hindi na nito hahayaang mawala siyang muli sa tabi nito. Nag-suggest pa ito na maging slave niya para lang makasama siya nito at dahil sa kaibuturan ng puso niya ay gusto din niyang makaganti sa ginawa nitong pananakit sa kanya, pumayag siya. Hindi naman niya alam na sa pagpayag niyang iyon ay muling mamimiligro ang puso niya na unti-unti na namang bumibigay sa mga ginagawa ni Nicko para sa kanya. Pagbibigyan ba niya ang puso niyang sa ikalawang pagkakataon ay tanggapin ang lalaking nanakit sa kanya noon at pagbigyan ang sarili niyang maging maligaya sa piling nito? Love sure is sweeter the second time around, I guess.
I love you, Mr. Right [Published under Lifebooks] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 10,821
  • WpVote
    Votes 289
  • WpPart
    Parts 11
"Ikaw ang nagturo sa puso ko kung pa'no magmahal ng totoo. God is indeed good because he gave you to me." Ang sabi ni Anika sa sarili niya ay hindi na siya maghahanap ng batong ipupukpok sa ulo niya. In short, lalaking mas matataas pa sa Eifel Tower ang mga ego. Sumakit na ng bonggang-bongga ang ulo niya sa ex niya kaya hindi na siya uulit. Pero ang magaling na kaibigan niya, nag-set ng date para sa kanya at sa best friend nito. That's when Eiji Benedicto came to the picture. Dahil ito pala ang best friend ng kaibigan niya na kinaiinisan niya. Pero dala ng kagandahang asal ay itinuloy pa din niya ang date nilang dalawa. Luckily, successful iyon. At iyon ang naging umpisa ng pagkakaibigan nilang dalawa ni Eiji. Then suddenly, nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya. Ang akala niya ay parte lang iyon ng pagkakaibigan nila. Mas naging sweet at caring ito sa kanya hanggang sa dumating ang best friend niya and Eiji acted strange. Naiinis siya sa sarili niya dahil kahit na naiinis siya sa binata ay hindi pa din niya matiis na hindi ito isipin at ma-miss. Hanggang sa aminin na niya sa sarili niyang nai-in love na siya dito. Yes, she's actually in love with Eiji Benedicto. What will she do? Will she tell him her feelings o maku-kuntento na lang siya na maging kaibigan nito?