alisonsmc
First year High School pa lang si Charlotte Dela Torre ay may nakilala na siya agad. At ito ay sina Mark John Agoncillo, Ronard Flores, Stephanie Costante, Mary Ann Salazar at Rose De Castro. Isa silang Barkada na puno ng tawanan at kabaliwan. Until she met Bryle Arelliego. Napaka-gwapo nito at makisig ang katawan. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Yan ang tipo ni Charlotte. Naging malalim na ang nararamdaman ni Charlotte sa kanya at walang kaalam-alam ang barkada niya.
Three consecutive years na niyang inililihim ang kanyang nararamdaman kay Bryle hanggang sa nag Grade 12 na sila. At dahil na rin sa daldal niyang bibig ay napaamin siya sa Barkada niya.
Ngunit tama ba na inamin niya sa Barkada niya ang katotohanan? Paano nalang kung ipagsasabi nila? Kamumuhian niya ba ang Barkada niya o pasasalamatan?
Sa hindi inaasahang pangyayari...
"Sino kayo?" Nakakunot kong tanong sa mga taong kaharap ko ngayon. Tatlong babae at siyam na lalaki.
"Charlotte, kami 'to. Ang Barkada mo mula highschool." Sagot nung isa sa kanila.
May lalaking dahan-dahang lumapit sakin at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"C-Cha, si Bryle 'to." Sabi niya. Parang tutulo na ang luha niya. Napakunot ang noo ko sa inasta niya.
"Sino ka?"