Phr Stories
40 stories
Love Thy Neighbor (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 84,738
  • WpVote
    Votes 1,565
  • WpPart
    Parts 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao. Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban na niya iyon kahit pa nga mukhang walang interes ito sa kanya. Nang malaman pa niya ang totoong katauhan nito ay lalo siyang nawalan ng pag-asang mamahalin din siya nito. Paano naman ang pagsinta niyang inabot nang isang taon? Hanggang isang gabing nalasing siya ay hinalikan siya nito. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?
❤A Promise of Love (COMPLETED - Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 97,507
  • WpVote
    Votes 1,687
  • WpPart
    Parts 10
Bago nagkahiwalay sina Althea at Hubert ay nangako sila na hindi kakalimutan ang isa't-isa. Nakahanda rin si Althea na maghintay sa pagbabalik nito. And she remained true to her promise. Ngunit sa kung anong dahilan ay bigla na lang nawalan sila ng komunikasyon. Nasaktan si Althea pero hindi pa rin niya magawang hindi mahalin ito. At kahit lumipas na ang mga taon, ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Kahit hindi niya aminin, umasa pa rin siya na darating ang araw na magkikita uli sila, na pwedeng madugtungan ang kanilang kahapon. Natugunan naman ang hiling niya. Ngunit ikakasal na ito sa ibang babae... Note: 2006 pa po ito na-published so pasensiya na po sa mga medyo malalalim at makalumang mga words =)
Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED) by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 493,463
  • WpVote
    Votes 18,486
  • WpPart
    Parts 48
Published many years ago. This story won novel of the year. It has been turned into a TV show on ABS-CBN, starring Toni Gonzaga and Derek Ramsay. I think it's still on Youtube.
One Night With Mr Gorgeous_Complete by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,074,143
  • WpVote
    Votes 22,962
  • WpPart
    Parts 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
Braveheart Series 7 Gemino Falcon (Heart Tamer) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 86,688
  • WpVote
    Votes 1,959
  • WpPart
    Parts 14
Phr Imprint Published in 2006
For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 698,179
  • WpVote
    Votes 13,635
  • WpPart
    Parts 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?
Love Trap by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 806,108
  • WpVote
    Votes 15,802
  • WpPart
    Parts 33
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Sa Panaginip Nga Lang Ba? by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 224,250
  • WpVote
    Votes 5,102
  • WpPart
    Parts 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him. Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki. Not ever when she had the living memory of him. cover photo from Google images
Kristine Series 9 - Magic Moment (COMPLETED) (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 937,991
  • WpVote
    Votes 18,601
  • WpPart
    Parts 23
Alaina loved and adored Nick mula pa nang unang makita ang lalaki. Pero nanatiling isang panaginip lamang iyon. Isang trahedya ang dumating sa buhay ng mga Gascon and Nick didn't only take refuge in Sto. Cristo, he took her innocence as well. Ang masakit, hindi iyon alam ni Nick. Ang higit pang masakit, ibang pangalan ang tinatawag nito while he made love to her. At ang pinakamasakit, sa mismong araw at oras na iyon ay binayaran siya ni Franco Navarro para huwag nang makipagkita pa kay Nick.
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,120,299
  • WpVote
    Votes 26,587
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?