kayahayunan's Reading List
41 stories
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,606,364
  • WpVote
    Votes 37,224
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,103,399
  • WpVote
    Votes 24,277
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 423,058
  • WpVote
    Votes 9,543
  • WpPart
    Parts 20
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?
Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 655,232
  • WpVote
    Votes 16,785
  • WpPart
    Parts 22
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart. After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon. After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal. Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa. Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 686,521
  • WpVote
    Votes 15,695
  • WpPart
    Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 381,428
  • WpVote
    Votes 9,637
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Only You (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 881,347
  • WpVote
    Votes 16,068
  • WpPart
    Parts 18
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan. Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?
Sana Bukas Tayo Pa Rin by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 97,353
  • WpVote
    Votes 2,188
  • WpPart
    Parts 14
Phr Imprint 1419 Published In 2002 "I have branded you as mine even then... even when we were still kids. Wala akong ibang babaeng minahal bukod sa iyo." Kumabog ang dibdb ni Evangeline nang makita ang dalawang bata sa larawan. Picture nila iyon ni Gideon. Walong taong gulang siya noon at hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa ni Gideon matapos silang kuhanan ng litrato... Inilapit nang husto ni Gideon ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "'Yan," masayang sabi nito, "magbata na tayo mula ngayon." Hindi malaman ni Evangeline kung maiiyak o magagalit sa ginawa ni Gideon. Sininghalan niya ito. "Anong magbata? Mga bata pa tayo, eh, gusto mo na makigaya sa matatanda?" Nagbuntong-hininga si Evangeline sa alaalang iyon ng kanilang pagkabata. Minahal na nila ni Gideon ang isa't isa mula pa noon. Kung hindi lang sa pagkakamali na nagawa niya, marahil nasa kanya pa rin ang pagmamahal nito hanggang ngayon.
Diary Of A Heart Stealer COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 78,951
  • WpVote
    Votes 1,747
  • WpPart
    Parts 10
Phr Imprint 3805 Published In 2011
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 631,209
  • WpVote
    Votes 16,579
  • WpPart
    Parts 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!