neikanobleza
𝘼𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙧𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙢𝙞𝙣𝙜𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖𝙣, 𝙪𝙙𝙪𝙮𝙖𝙣𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣.
Sa gitna ng tahimik na Brgy. Kabulusan sa Pakil, Laguna, isang sumpa ang isinilang noong 1990-isang madilim na paniningil para sa mga kaluluwang inabuso, pinalaglag, at tinalikuran. Ang bawat ugoy ng duyan ay hindi na para sa pagpapatulog, kundi para sa pagbawi ng hininga ng mga magulang na lumapastangan sa sarili nilang dugo.
Ngayong 2026, ang lagim ay dadalhin ng isang babaeng walang malay na siya ang daluyan ng kamatayan patungo sa magulong lunsod ng Maynila. Sa pagtatagpo ng isang babaeng may malagim na lihim at isang lalaking winasak ng kataksilan, muling ririnig ang iyak sa dilim. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay uduyanin sa hukay. Sino ang maliligtas kung ang bawat isa ay may kasalanang nakabaon sa limot?