phr
5 stories
Paint My Love (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 829,390
  • WpVote
    Votes 13,175
  • WpPart
    Parts 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 127,676
  • WpVote
    Votes 2,443
  • WpPart
    Parts 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito. Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?
Choco Mint (Little Cupcakes Series: Book 2) by icewendy
icewendy
  • WpView
    Reads 43,758
  • WpVote
    Votes 699
  • WpPart
    Parts 11
Pretend girlfriend ang role ni Gwen sa buhay ng best friend niyang si Tony para pagtakpan ang gender problem nito. Single mom naman ang role niya nang kupkupin si Mint na inulila ng kanyang ate. Wala na siyang reklamo sa takbo ng kanyang buhay. Pero nagulo ang sitwasyon sa biglang pagsulpot ni Renton, ang totoong ama ni Mint. Noong una, hindi pumayag si Gwen na magpakilala ang lalaki kay Mint dahil para sa kanya, wala na itong karapatan sa bata nang iwan nito ang mag-ina. Pero tinakot siya ni Renton na magkikita sila sa korte kung hindi siya papayag kaya wala siyang naging choice. Habang tumatagal ang pagsasama nila ni Renton, may na-realize si Gwen. Parang gusto niyang dagdagan ang role na gagampanan. Parang gusto niyang maging girlfriend ng tatay ni Mint. Si Renton naman, parang hindi lang ang pagpapakaama kay Mint ang gusto, kundi ang maging tunay na siyang ina at maging totoo na silang pamilya. Pero paano? Nakakulong pa siya sa kasunduan nila ni Tony, habang may babae naman sa nakaraan ni Renton na bumalik sa buhay nito.
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 792,131
  • WpVote
    Votes 18,118
  • WpPart
    Parts 25
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 125,685
  • WpVote
    Votes 2,199
  • WpPart
    Parts 12
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.