💓
17 stories
Kuwentong Kotse (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 416
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 1
Kuwentong Kotse Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Ghani Madueño May kuwento si George tungkol sa mga taong nagmay-ari sa kanya. Ang una, si Jack, ay hindi marunong mag-alaga ng kotse, kaya laking tuwa niya nang ibenta siya kay Sylvia. Ngunit nainip siya kay Sylvia dahil madalang kung sila ay lumabas. Napanatag lamang ang kanyang loob nang mapunta siya sa pamilya ni John Carlo. Mahal siya ng pamilya ni John Carlo, ngunit nang maaksidente ang tatay ni John Carlo ay nagalit ito sa kanya. Basahin sa kuwentong ito ang maaaring maramdaman at isipin ng isang kotseng katulad ni George tungkol sa mga taong nagmamaneho at sumasakay sa kanya.
Siya ba ang Inay ko? (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 358
  • WpVote
    Votes 13
  • WpPart
    Parts 1
Siya ba ang Inay ko? (COMPLETED) Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Jomike Tejido Siya ba ang inay ko? tanong ni Carla sa kanyang sarili nang salubungin nila ng kanyang itay at mga kapatid sa paliparan ang kanyang Inay na galing sa ibang bansa. Ang inay ni Carla ay isang OFW- Overseas Filipino Worker. Laging wala ito sa bahay, kaya tuloy ay hindi na ito kilala ni Carla. Alamin sa kuwentong ito ang lagay ng samahan ng isang inang palaging wala sa bahay at sa batang anak nito- at kung paano maibabalik ang relasyong iyon sa nawalay na anak sa nararapat na kalagayan niyon.
Sexy Ang Mommy Ko (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 762
  • WpVote
    Votes 20
  • WpPart
    Parts 1
Sexy Ang Mommy Ko Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero Walang araw at walang oras na hindi kasama ni Nicole ang kanyang mommy. Nakamulatan na niyang laging sila ang magkasama kahit saan. Kaya lang, mataba ang mommy ni Nicole. Mabibilog ang braso at binti nito, at ang tiyan nito ay umaalun-alon, parang bolang malambot. Hindi ito kasing-sexy ng mga mommy ng kanyang mga kaklase. Ano kaya ang kanyang gagawin upang maging sexy rin ang kanyang mommy? Alamin sa kuwentong ito kung paano naging sexy para kay Nicole ang kanyang mommy.
Alamat ng Dugong (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 624
  • WpVote
    Votes 17
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Dugong Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Frances Alcaraz Noong unang panahon, sa isang isla sa isang sulok ng mundo ay may mga naninirahang katutubo na tinatawag na "Dugo." Taliwas sa taguri sa kanila kahit kailan ay hindi nagkaroon ng pagdanak ng dugo sa kanilang isla. Hindi naimulat sa kanila ang mga salitang "away," "sigalot," "digmaan," at mga salita na nakapagdudulot ng mga alitan sa kapwa. Dahil sa kanilang kabutihang-loob, tinanggap ng mga Dugo sa kanilang isla ang dalawang pangkat ng mga dayuhan upang doon manirahan. Hindi naglaon, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang pangkat. Upang makaiwas sa labanan, tumakas ang mga Dugo at nagkanlong sa ilalim ng dagat. Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng dugong at ang kahalagahan ng pagiging bukas-palad, mapayapa, at magiliw sa ibang tao.
May Magic si INAY! (COMPLETED) (Published by Lampara Books) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 482
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 1
May Magic si INAY! Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Rowen Agarao Sa kanilang edad, kadalasan na dinadapuan ng kung anu-anong sakit ang mga bata. Sa kuwentong ito, ang pangunahing tauhan ay dinadapuan ng iba't ibang sakit at karamdaman-na likas na bahagi ng kanyang paglaki. Alaming sa kuwentong ito ang pinakamabisang gamot sa mga sakit-bata, at kung sino ang natatanging nilalang na makapagdudulot niyon.
Moymoy Lulumboy Book 6: Ang Ugat at ang Propesiya (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 22,167
  • WpVote
    Votes 1,408
  • WpPart
    Parts 42
Moymoy Lulumboy Book 6: Ang Ugat at ang Propesiya Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jomike Tejido LUMUTANG ang kanilang katawan sa ulap. Ang limang kandidato na napili para maging Apo na kapalit ni Salir ay kailangang piliin sa lalong madaling panahon. Sinasabing kailangang-kailangan na sa Gabun ang mangangasiwa sa mga tibaro. Na kaya nananatiling hindi balanse ang kalikasan ay wala pang kapalit si Salir, ang panglimang Apo na nangangasiwa sa mga tibaro. (Si Salir ang bubuo sa lima pang mga Apo na sina Marino, ang tagapangasiwa ng katubigan, si Amihan ang namamahala sa hangin, si Ilawi ay sa liwanag at ang bagong hirang na Apo na isang tibaro na si Wayan).
May Monster Si Kuya! (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 1,516
  • WpVote
    Votes 47
  • WpPart
    Parts 1
May Monster si Kuya Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Ghani Madueño Nagsimula sa masaya ang pamilya ni Beatrice. Mataas ang pangarap ng kanyang Kuya Ryan. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang kanyang kuya. Hindi na siya nakikilala nito. Dinala ito sa isang pribadong pagamutan. Sabi ng kanyang mommy, sinaniban ng "monster" ang kanyang kuya. Alamin sa kuwentong ito ang tungkol sa isa sa mga kinatatakutang salot sa lipunan.
Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 52,484
  • WpVote
    Votes 2,822
  • WpPart
    Parts 59
Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan Kuwento ni Segundo Matias Jr. Guhit ni Jomike Tejido
Alamat ng Kawayan (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 1,614
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Kawayan Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Kora Dandan-Albano Noong unang panahon sa isang malayong lugar, may isang magaling na panday na nagngangalang Daniel. Pinanday ni Daniel ang pinakamatitibay na espada nina Haring Abrio at Haring Almario. Ngunit nang matuklasan niya kung saan at kung paano ginagamit ang mga espada ay nalungkot siya nang labis at hindi nagdalawang-isip na ibaon sa lupa ang lahat ng mga espada. Mula sa pinagbaunan ng mga espada, ang mga dating damo na naroroon ay unti-unting tumaas. Tumaba rin ang mga katawan ng mga iyon. Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng kawayan at tungkol sa walang-hanggang pagtataguyod ng kapayapaan.
Alamat ng Puno ng Nara (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 2,265
  • WpVote
    Votes 47
  • WpPart
    Parts 1
Alamat ng Puno ng Nara Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang matapang at magiting na pinuno ng mga mandirigma na nagngangalang "Nar." Sa palagay ng datu, si Nar ay ibinigay ni Bathala sa kanila. Ipinanganak ito bilang mandirigma upang ipagtanggol ang mga isla ng Pilipinas mula sa pagsakop ng mga dayuhan. Ngunit dumating ang panahong naghangad si nar ng mapayapang buhay sa piling ng kanyang asawa, dangan nga lamang at mas malakas ang tawag ng kagitingan-alang-alang sa minamahal na bansa. Sa kanyang libingan ay tumubo ang isang matayog, matibay, at matatag na puno.