My 31st Century Girlfriend
HeneralWolf
- Reads 1,519
- Votes 356
- Parts 15
21st Century isinilang si Pluto, ang pinakabunso sa siyam na mga anak ni King del Rio. Lahat silang magkakapatid ay lalaki ngunit si Pluto ang naiiba sa lahat sa kadahilanang siya lamang ang mahilig sa agham at teknolohiya.
Kinahihiligan niyang gumawa ng iba't ibang imbensyon simula noong siya'y siyam na taong gulang pa lamang. Sa murang edad ay nakitaan na siya ng potensyal ng kanyang ama, mga kapatid at mga guro sa larangan na kanyang pinili.
Taong 2020 kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang ika-labinsiyam na taong gulang, nagtagumpay ang imbensiyong tatlong taon na niyang pinaghirapan--pinangalanan niya itong Agapi Mou na sa ingles ay nangangahulugang 'my love'.
Si Agapi Mou ay isang humanoid robot na may kasariang babae, nakakagawa ito ng mga bagay na nagagawa ng isang tao ngunit limitado lamang. Ipinangako ni Pluto sa sarili na hangga't hindi pa niya nahahanap ang babaeng para sa kanya ay ibubuhos niya muna ang oras at atensyon kay Agapi Mou.
Isang araw, habang siya ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan, isang pangyayari ang magbabago sa kanyang tahimik na buhay. Napunta siya sa isang mundo kung saan napupuno ng mga robots na namumuhay bilang isang normal na tao.
Lingid sa kanyang kaalaman na ang mundong ito ay tunay ngunit sa ibang panahon nga lang--taong 3020. Siya ay namangha sa kanyang nasaksihan at siya ay masaya dahil napunta siya sa lugar na pinapangarap niya simula pagkabata.
Sa panahong ito, mabubuhay siya bilang si Heneral Wolf ng Galaxy-R20 Empire.
Matatagpuan niya kaya ang tunay niyang Agapi Mou sa panahong ito? Ngunit maaari kaya siyang umibig sa isang babaeng isinilang sa taong 3001? Isang libong taong matapos siyang ipinanganak?
Maaari kaya itong mangyari?
Pipiliin kaya ni Pluto na manatili sa 31st Century?
O mas pipiliin niyang bumalik sa 21st Century?
©All rights reserved 2020