SylvaniaNightshade
- Reads 7,172
- Votes 336
- Parts 29
Tama nga ang hinala ni Ren simula pa nang umusbong ang salungatan ng mga mundong hindi niya inakalang kinabibilangan na rin niya:
Ang tao ay kikilos para sa kanyang sariling hangarin.
Pera. Kapangyarihan. Kayamanan. Paghihiganti. Hustisya. Pagmamahal.
At sa likod ng masisidhing dahilang nagdidilig sa tapang ng bawat manlalaro sa larong pinagpasyahan niyang laruin, matututuhan ni Ren ang pinakamahalagang bagay na maging anuman ang dahilan upang mabuhay, ang pagkatuto rito, ang magiging pinakamalakas na sandata niya laban sa mga mapanlinlang. Mapansamantala. Mapagmalabis. At mapagkunwari.
"Susubukin ang tatag ng tao habang siya ay tumatanda, Apo. Ang malungkot lamang, hindi ka pa nagsisimulang tumanda. Bata ka pa ngunit ang iyong mga kahaharapin ay tiyak na hindi kagaya ng mga nasaksihan ko na."
Hanggang saan ang kaya mong abutin at sikmurain upang maipaglaban ang iyong pangarap, karapatan, damdamin...
Higit sa lahat, kawalang-sala?
***
Still That Boystown Girl
Book 3 of That Boystown Girl Series