3D_Emperor
Ang Phoenix's Phantom
Sa pagbagsak ng Imperyong Ontrel, ang buong Chromoa ay muling nabalot sa kaguluhan. Labanan sa pagitan ng mga kaharian na dating nagkakaisa bunsod ng mga kaganapang naghudyat at nagdulot ng malawakang digmaan.
Sa pagbabaka-sakali na maibalik ang dating kapayapaan at kaayusan, isang maliit na grupo na kilala sa bansag na 'Pride Rock' ang sumubok na kalabanin ang noon ay mga rebelde na nagpabagsak sa buong Imperyo ng Ontrel. Ang lumikha at nagtatag ng kanilang sariling kaharian, dahilan upang magsimula at magdulot muli ng panibagong malawakang digmaan.
Subalit, sa lalo nilang pagpupursige, ay malalaman din nila ang mga lihim na naging dahilan sa pagbagsak ng Imperyo, mga tao na nasa likod at mga naging parte ng mga mahahalagang pangyayari na maisisiwalat sa kanilang mga harapan.
Sa kanilang pakikibaka, ay handa kaya nilang suongin ang banta at peligro na kanilang kakaharapin? Sa kanilang malalaman, ay mapanghahawakan kaya nila ito upang maipanumbalik ang kaayusan at kapayapaan sa lahat? O marahil ay manatili lamang itong lihim na maibabaon sa limot hanggang sa mga susunod na henerasyon?
Bagama't mababalot sa kadiliman ang panahon na paparating, ang pag-asa ay mananatili sa bawat tao na kanilang magiging sandigan, pananalig na may isang bayani at tagapagligtas ang muling magpapakita na magtataglay ng liwanag, lalaban at magbubuklod sa lahat upang wakasan ang tumitindi at mabagsik na digmaan, at ito ay ang maalamat at tinagurian nilang "Phoenix Knight".