Jasmine Esperanza
25 stories
Wedding Girls Series 13 - JENNA - Another Wedding Planner by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 118,281
  • WpVote
    Votes 3,148
  • WpPart
    Parts 19
Ang babae nga pala ay nililigawan muna at saka pa lang pasasagutin. Can we be a bit different, sweetheart? Puwede bang sagutin mo na muna ako at saka na lang kita liligawan? Isang taong panliligaw, puwede na kaya? One whole year kasabay ng engagement period. ***** Seryoso si Jenna sa kanyang karera bilang wedding planner. Naniniwala siyang kakambal ng propesyon niyang iyon ang matatag na kredibilidad upang lalo siyang makilala sa mundong pinasok niya. Pero parang tuksong dumating sa kanya ang isang lalaki-na handang mabayad ng kahit limang milyong piso upang sirain niya ang isa sa mga kasal na inihahanda niya para sa kanyang kliyente. Tiyak siya sa kanyang sarili, gaano mang kalaking halaga ay hindi niya ibebenta sa lalaking iyon ang kontartang pinirmahan nila ng kanyang kliyente. Hinding-hindi siya masisilaw sa kaway ng salapi. Iyon nga lang, tila masisilaw naman ang puso niya sa taglay na kaguwapuhan ng lalaking si Jaime dela Merced.
Banana Heaven by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 89,534
  • WpVote
    Votes 2,764
  • WpPart
    Parts 19
"Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos." Little Cupcakes Series *This is the first installment in the collection of novels about single moms who are also bakers on their journey to love. Special thanks to Yrecka Mae Escalante for the cover design
Wedding Girls Series 10 - CHARITY - The Wedding Emcee by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 114,785
  • WpVote
    Votes 2,982
  • WpPart
    Parts 21
"Ikaw ang ngayon. Ikaw ang gusto kong maging ngayon ko at bukas. I told you, I'm beginning to love you. And I know it won't be hard for me to love you more." *** Labis na nasaktan si Charity nang matuklasan niyang niloko lang siya ng boyfriend niya. Iniwan niya ang kanyang career bilang wedding emcee at nagpasyang magbakasyon muna sa Gonzaga, Cagayan. Doon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Edmund, isang lalaking nakilala naman niya sa isang kasalan. Everything happened too soon. Natuklasan na lamang nilang umiibig sila sa isa't isa. Or so she thought. Sapagkat isang beses, narinig na lamang niyang tinatawag ni Edmund ang isang babae na bahagi ng nakaraan nito. At masakit niyon para sa kanya... Pero bakit ba kahit na ganoon ay mahal pa rin niya si Edmund?
Class Picture Series 2 - My Secret Crush and Fantasy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 96,179
  • WpVote
    Votes 3,215
  • WpPart
    Parts 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makasabay niya sa eroplano si Alejo Sampana. Hindi kailanman niya maaaring makalimutan ito. He had been, after all, an inspiration in her life. At sa muling pagkikita nila, natanto niya na gaano man katagal ang panahong lumipas ay nanatiling nakadambana ito sa kanyang puso. Ngunit tila may mabigat na dinadala ito sa dibdib. Nakikita niya iyon sa malungkot na mga mata nito. Maybe she could do something to erase that pain... with all the love she had for him...
Over The Bakod Lang Ang Pag-ibig by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 77,340
  • WpVote
    Votes 2,205
  • WpPart
    Parts 9
Nakasanayan na ni Beverly ang mag-over the bakod sa kapitbahay para mag-swimming. Nasa kasarapan na siya ng paglalangoy nnag pag-ahon niya ay isang napakatikas at napakaguwapong lalaki ang nakita niya. Si Mitch. Ang bagong may-ari ng bahay. At masungit siyang sinisita nito at inaakusahan ng trespassing. Aba, malay niya, Hindi siya na-inform na iba na pala ang may-ari doon. Ang alam niya welcome siyang mag-swimming anytime. Pero napagtripan yata siyani Kupido. Kahit noong unang pagkikita nila ay halos isumpa siya nito, nito namang mga huling araw ay hindi niya malaman kung bakit gustong-gusto niyang ma-"sight" ang masungit niyang kapitbahay. Hmmm... puso na yata niya ang trespassing talaga.
Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The Florist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 162,406
  • WpVote
    Votes 4,124
  • WpPart
    Parts 24
"Kissing you made the difference, Calett. It stirred all the dormant emotions in me. Emotions that I didn't know I possessed until you made me realize they exist. I didn't know what I'm missing until I kissed you." Si Scarlett - gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Chad O'Hara-para lang matuloy ang obsesyon niya na maging Scarlett O'Hara ang pangalan niya. Si Rod - gagawin niya ang lahat para lang alaskahin si Scarlett. Mientras nakikita niyang napipikon ang dalaga, ang saya-saya niya. Si Scarlett uli - hindi niya kailangan si Rod sa buhay niya. Ni hindi niya ito itinuturing na kaibigan-asungot sa buhay niya manapa. Mula't sapul ay alaga na siya nitong buwisitin. Hanggang sa isang araw ay sumagad ang pagkapikon niya sa binata at binuhusan niya ito ng isang pitsel ng juice. Hindi nagalit si Rod. Bagkus ay hinalikan siya. And oh, that kiss felt sooo sweet she almost forgot her name. At nagbago ang lahat kina Scarlett at Rod...
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 180,125
  • WpVote
    Votes 4,877
  • WpPart
    Parts 25
"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap ni Marcus ang isang Valentine card na hindi niya ipinadala subalit ang nakasulat ay ang totoong laman ng puso niya: she wanted Marcus to be her valentine and first kiss. Nasunod ang unang kahilingan niya. Marcus gave her the experience of first date. Subalit hindi siya nito pinatulan upang maranasan ang isang halik. Ang pangako nito: someday. Iyon ay kapag hindi na siya ganoon kabata o kaya ay kapag tumuntong na siya sa disiotso. At sa kondisyon na si Marcus pa rin ang crush niya. Subalit pagkatapos nang gabing iyon ay bumilang ng mahabang taon bago sila muling nagkita. At bagaman natanto niya na si Marcus ay nanatili pa ring espesyal sa kanyang puso, hinding-hindi naman niya magagawang ipaalala dito na mayroon pa siyang isang kahilingan na hindi nito napagbibigyan. Because was now engaged to be married to someone else. Pero bakit buhat nang muli niya itong makita ay siya mismo ang hindi mapakali?
Barely Heiresses - VERA MAE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 317,848
  • WpVote
    Votes 7,113
  • WpPart
    Parts 25
VERA MAE is a part of PHR's Barely Heiresses Collaboration Series Released on February 28, 2015 Available in leading bookstores. ebook is also available at http://preciouspagesebookstore.com.ph/Book/1938
Just Mine by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 335,543
  • WpVote
    Votes 5,789
  • WpPart
    Parts 15
This is one of my very first books, considered classic by many readers who had the chance to have a copy way back in 1999. Published by Precious Pages Corporation. reprint is now available
Ivy's League by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 133,929
  • WpVote
    Votes 3,544
  • WpPart
    Parts 14
"Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He's out of my league." Teaser: Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. "Ano ba?" mataray na sabi niya dito. "Miss, sorry, ha?" Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba't ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were... pink! Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. Was it really pink? Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi? At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing. French kissing, she emphasized to herself. ******** Hi, everyone! This is one of my previously published book. I am posting a part of the book for all of you to read. I hope you enjoy the excerpt. Published under PHR Men In Blue Imprint