EyceeJiBilen
"Sa kabila ng lahat ng masamang pangyayari sa buhay mo may isang tao paring tanggap ka ng buong-buo"
Naniniwala ba kayo sa dalawang taong naka-tadhana sa isa't isa? Madaming taong nakaranas na pero may iilan na tao na hindi pa nakakaranas nito. Karamihan sa atin na naniniwala na merong tadhana sa mundong ibabaw, pero ngunit ang iba ay hindi naniniwala.
Dahil nga ang iba sa atin ay patuloy pa ring naghahanap kung sino talaga ang kanilang naka-takda.
May ikukuwento ako sa inyo na sa dinami-dami nilang pinagdaanan kahit paglayuin pa sila ng panahon, kusa at kusa pa rin silang bumabalik kung saan sila nang-galing.
May dalawang tao sa ngayon na nagpapagamot sa iisang lugar kung saan sila ay pinagtagpo ng tinatawag natin na TADHANA. Noong sila'y nagkita, nagkausap at nagkakilala sa isa't-isa. Hindi nila namamalayan na sa dinami dami na nilang pinagdadaanan na dalawa at kahit milyun-milyong katao na ang dumating sa kanilang buhay ay hindi nila alam na sila at sila pa rin hanggang huli.