Unread
3 stories
I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 67,028
  • WpVote
    Votes 1,335
  • WpPart
    Parts 11
Unang na-in love si Zia sa boses ni DJ Gino. Taglay nito ang pinakamaganda, masuyo, at baritonong boses na narinig niya sa buong buhay niya. At nang makilala niya ito, hindi niya napigilang tuluyang mahulog ang loob dito. Ngunit may malaking problema - may mahal na itong iba. Nagmamahal ito sa isang babaeng may mahal namang iba. Sa kabila ng lahat, nakipaglapit siya rito. Para siyang gamugamo na patuloy sa paglipad sa paligid ng maliwanag na lampara, sa kabila ng kaalaman niyang baka mapaso siya sa huli. May pag-asa bang masungkit niya ang puso ng lalaking pinakamamahal?
ALL I ASK OF YOU (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 88,933
  • WpVote
    Votes 1,472
  • WpPart
    Parts 11
"I love you like I find myself smiling every time I think of you and your silly antics." Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit kay Kristoff sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli, si Kristoff din ang sumuko. Naging malapit sila at na-in love sa isa't isa. Pero ang katuparan pala ng pangarap ni Chelsea ay pagkasira ng pangarap ni Kristoff na sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya. Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang kay Kristoff sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 84,086
  • WpVote
    Votes 1,777
  • WpPart
    Parts 19
"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's - ang kilalang 'DJ Cook' sa radyo. Naramdaman agad niya ang instant attraction sa binata sa una pa lang nilang pagkikita, lalo na nang bigla siyang halikan nito sa loob ng elevator to calm her down nang mag-panic siya dahil nasira iyon at na-trap sila sa loob. Then one day, she discovered that Paul was a single dad. Dahil doon, he pushed her away. Inakala kasi ng binata na hindi ito karapat-dapat para sa kanya. Pero ipinaglaban ni Jasmine ang kanyang nararamdaman hanggang sa aminin ni Paul na mahal din siya nito. At mukhang gustong-gusto rin siyang maging instant mommy ni Angel, ang anak ng binata. Kompleto na sana ang kaligayahan ni Jasmine. Kung hindi lang muling nagbalik si Monique - ang ex-girlfriend ni Paul at ang tunay na ina ni Angel. At sa sitwasyong kinasusuungan ng babae ngayon ay mukhang kayang agawin muli ni Monique ang pagtingin ng anak, pati na ang pagmamahal ni Paul mula sa kanya...