H.F jhax
6 stories
Way Back 1895 by IvanRaffhallieAyapMa
IvanRaffhallieAyapMa
  • WpView
    Reads 110,748
  • WpVote
    Votes 3,668
  • WpPart
    Parts 91
Dalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanyang kwento? Created: October 30, 2017 Finished:
El Gobernador General De Mi Corazón by MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    Reads 1,999,132
  • WpVote
    Votes 92,675
  • WpPart
    Parts 72
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tuluyan sa pamilya ay hindi naman niya inasahang makikilala ang mga taong may kanya-kanyang dinadalang pighati sa kani-kanilang puso ang magpapagulo at magpapasakit nang bonggang-bongga sa kanyang ulo. Maghihilom pa ba ang mga pusong minarkahan ng pagkamuhi at hinanakit? May pag-asa pa nga bang muling mabuo ang mga nagkapira-pirasong pagsasama na winasak ng salapi, kapangyarihan, pag-ibig, at mga ibinaong lihim? Samahan si Choleng na tuklasin ang katotohanan sa kanyang paglalakbay pabalik sa nakaraan. Alin nga ba ang dapat niyang paniwalaan? Ang banta ng kanyang pangitain? O, ang banta ng nagbabalat-kayong katotohanan? Simulan: July 16, 2017 Tinapos: October 29, 2020 #1 in Historical Fiction 05/10/2018 #1 in Classics 05/18/2018 #1 in Mystery 08/06/2022 Wattpad's Talk of the Town 03/01/2022 Current Book Cover: Binibining RaichiMirae Previous Cover: Binibining thiszyourclover
Amore Infinito | Completed | by Athena_faye
Athena_faye
  • WpView
    Reads 71,015
  • WpVote
    Votes 2,083
  • WpPart
    Parts 53
(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang pinili at inatasang bumalik sa makalumang panahon upang baguhin muli ang mapait na nangyari sa buhay ni Ghufelina Alonso. Naging mahirap para sa akin ang lahat lalo na't nakilala ko ang dalawang Prinsipe sa El Palasyo de Fregroso o El Palasyo de Antonio. Sino kaya ang bibihag sa puso ni Celestine? Kakayanin kaya ng isang maldita girl na tumira sa makalumang panahon? Mapagtagumpayan niya ba ang misyong ito o Papalya na naman siya? Abangan niyo ang mga nakakatawang pangyayari sa paglalakbay ni Celestine Alfaro bilang Ghufelina Alonso sa makalumang panahon. Book Cover by: Dainty Nicole Evangelista Date Started: August 1, 2019 Date Finished: October 27, 2019
Sa Pangalawang Pagkakataon by adelinangeles
adelinangeles
  • WpView
    Reads 20,805
  • WpVote
    Votes 984
  • WpPart
    Parts 81
Minsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. Ilang beses ka na ba niyang napaiyak ngunit pilit mo pa rin pinaglalaban ang pag-ibig mo sa kaniya? Kahit na alam mong maling umasa ginawa mo pa rin. Ngunit sa lahat ng iyong pinagdaan matuturing na wala lamang? Si Erenda ay isang babaeng minsan nang nabigo sa pag-ibig ngunit dahil sa labis nang kaniyang pagsinta sa iniirog ay lumaban siya hanggang sa dulo, hanggang makuha niya ang minimithi ngunit sa kasamaang palad siya ay mabilis na pumanaw sa oras na malaman niya ang kasagutan. Hindi lang puso niya ang namatay kundi pati rin ang katawang lupa niya. Kung ikaw siya, paano kung pagbibigyan ka nang pagkakataon. Susulitin mo na ba o sasabay ka lang sa agos ng iyong kwento? Story started: Dec. 25, 2019 Story ended : April 7, 2020
NASAAN SI MARIA CLARA? by phiona11277
phiona11277
  • WpView
    Reads 21,028
  • WpVote
    Votes 640
  • WpPart
    Parts 51
ALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CENTURY, SA PANAHON NG MGA KASTILA AT KATIPUNERO. DOON AY MAKIKILALA NIYA SI PEPE, ANG BINATANG MAGKAKAROON NG MALAKING BAHAGI SA KANYANG PUSO. BUT HOW ABOUT XAVIER, HER BOYFRIEND SHE HAS LEFT BEHIND FROM THE FUTURE? BABALIKAN PA BA NIYA ANG YEAR 2018 PARA MABUHAY NA MULI NG NORMAL KASAMA ANG MGA MAHAL SA BUHAY O MANANATILI SOMEWHERE IN TIME KUNG SAAN NIYA MATATAGPUAN ANG REAL MEANING AND ESSENCE OF LOVE...AND FOREVER???
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,633
  • WpVote
    Votes 46,626
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!