Love
18 stories
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,176,138
  • WpVote
    Votes 182,385
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,667,750
  • WpVote
    Votes 307,270
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,339,001
  • WpVote
    Votes 196,753
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,637,338
  • WpVote
    Votes 586,696
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Isla Encantacia Series Book 2 AESTAS -The Queen Of Noche Bosque by BlueFortes
BlueFortes
  • WpView
    Reads 14,899
  • WpVote
    Votes 599
  • WpPart
    Parts 49
Mula pa pagkabata hindi na normal ang pakiramdam ni Summer dahil sa mga nakikita niya na hindi pinaniniwalaan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Mas lalong hindi naging normal ang pakiramdam niya nang hanggang sa pagdalaga ay dinala niya ang kanyang lihim na pagsinta sa nakatatandang kapatid ng matalik na kaibigan--- si Alejandro na isang mandirigma. Hindi sila puwede dahil may sumpa raw ang makipagrelasyon ang taga-isla sa isang mortal na tulad niya. Pero umamin sa kanya si Alejandro, mahal rin siya nito. Susuwayin ba nila ang batas ng Isla? Kahit may sumpa?
Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First Love by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 12,921
  • WpVote
    Votes 374
  • WpPart
    Parts 15
(SOON TO BE PUBLISH ON "PRECIOUS HEARTS ROMANCES") Bea is a successful business-woman at the age of twenty-three. Para sa mga gaya niyang nag-iisang anak ng mag-asawang pioneer sa business world. Life has always become easy for her. Rich girl, beauty and brains. She has it all. Pero totoo ang kasabihan, hindi makikita sa pera ang tunay na makakapagpasaya ng tao. Her Parents got divorced when she was only fifteen years old. When she reached the age of twenty-two, natutong umibig si Bea. Pero sa bandang huli, nalaman niyang niloloko lang pala siya nito, at tila nagmarka sa pagkatao niya ang minsan na pagkakamaling iyon. Simula noon, nawalan na siya ng paniniwala sa pag-ibig. She even loses her faith in God. Pakiramdam niya ay napa-unfair sa kanya ng Diyos. And then, he met Justin. The savage, flawless and handsome Music Producer/Manager of Blue Light. Nakuha nito ang atensiyon niya, at para mapatunayan sa ex-bf na naka-move on na siya. Si Justin ang napili niyang gawin "trophy boyfriend" para irampa sa harap nito. Pero bago ang lahat, kailangan makuha niya ang atensiyon nito, and she did, in a most embarrassing way. Sa pagdaan ng mga araw, habang unti-unti niyang nakikilala ang ugali ni Justin. Her heart starts beating fast for him. Hanggang sa tumambad sa harap niya ang katotohanan isang araw na mahal na niya si Justin. Just as she thought that everything is getting better between them, tila sinubok ng Diyos kung hanggang saan ang pag-ibig niya para sa binata, matapos malaman ni Bea ang tunay na pagkatao nito. But everything seems too late for her before she realized how Justin means to her life, matapos siyang magising isang umaga na wala na ito, at tila hindi na babalik pa.
+13 more
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 83,150
  • WpVote
    Votes 1,299
  • WpPart
    Parts 10
"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging successful at maging masaya. Dahil simula ng mamatay ang Mama niya, at muling mag-asawa ang Papa niya. Tila naging malabo na ang pangarap niyang iyon. At tila lalo siyang nawalan ng pag-asa ng sumunod na pumanaw ang Papa niya. Naiwan siya sa Stepmother niya, na parang tunay na anak na ang naging turing sa kanya. At sa anak nitong babae at itinuturing niyang Ate. Ngunit simula noon, hindi na maganda ang relasyon nila ng Ate niya. Madalas siyang mapahamak ng dahil dito. Inaagaw ang lahat ng para sa kanya. Pero hindi siya lumalaban dito. Ang madilim niyang mundo ay tila biglang nagliwanag ng makilala niya si Karl. Ito ang may-ari ng Bar na pinapasukan niya. At lalo pa silang naging malapit sa isa't isa ng manalo siya ng kotse sa Mondejar Cars Incorporated. Sa pagdaan ng mga araw, tumibok ang puso niya para dito. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng kulay ang buhay niya. Para lamang masaktan, dahil ng makilala nito ang Ate niya, dito ito naging interesado. Pero dumating ang araw na kinailangan niyang umamin sa damdamin niya dito. Isang bagay na hindi niya alam kung dapat niyang pagsisihan, dahil iyon ang naging daan para lumayo si Karl sa kanya. Hanggang kailan ba niya kailangan umiyak? Hanggang kailan ba siya masasaktan?
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 80,347
  • WpVote
    Votes 1,660
  • WpPart
    Parts 11
It's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hindi siya iibig, hindi niya hahayaan na umiyak ng dahil sa lalaki. Kasabay ng pangako niyang iyon, ay ang pagkamuhi niya sa mga lalaking nanloko at naging dahilan sa pagkabaliw ng Ate niya. Ngunit nakilala niya si Glenn Pederico, ang guwapong negosyante at Doctor. Pinakita agad nito ang interes nito kanya, pilit niya itong iniwasan at tinaboy palayo dito. But fate always brought them together. Hanggang sa natutunan niyang tanggapin ito sa buhay niya. And then, she woke up one morning falling deeply in love with him. Okay na sana ang lahat, ngunit isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanilang dalawa. Hindi niya matanggap na isa pala si Glenn sa mga nanloko sa kapatid niya noon. At ang pinakamasakit sa lahat, bakit hindi niya kayang kamuhian ito?
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 120,752
  • WpVote
    Votes 2,408
  • WpPart
    Parts 21
I'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yumaman para guminhawa ang kanyang buhay. Hanggang sa makilala niya si John Michael Lombredas, ito ang naging daan sa biglang pagbabago ng kanyang buhay. At sa bawat araw na lumipas na nakakasama niya ito, naging malapit siya dito. Natagpuan niya ang sarili na umiibig sa estrangherong biglang sumulpot sa buhay niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng magpahayag ito ng parehong damdamin at hindi nagtagal ay magpakasal silang dalawa. Ngunit isang lihim ang tumambad sa kanya na siyang kinasira ng pagtitiwala niya sa kanyang asawa. Dahil sa sakit na dulot ng pangyayari, mas ninais niyang tumakbo at lumayo dito, na siyang naging dahilan upang maaksidente siya at mawalan ng malay. Sa kanyang paggising, ganoon na lang ang takot na naramdaman niya ng wala siyang matandaan sa kanyang nakaraan. Sino siya? Sino ang lalaking nasa larawan kasama niya?
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 113,759
  • WpVote
    Votes 2,261
  • WpPart
    Parts 10
TEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dustine Despuig. Okay na sana ang lahat ng mabuking nito ang modus operandi niya. Saka niya napag-alaman na isa pala itong pulis. Ngunit sa halip na hulihin siya nito at ikulong. Isang parusa ang ginawad sa kanya nito. Ang maging kasambahay at tumira sa piling nito. At sa pagtagal ng mga araw na nagsasama sila sa iisang bubong. Unti-unti ay nahuhulog ang loob niya dito. Hanggang sa magising siya isang umaga, na mahal ang lalaking nagmistulang anghel na pinadala sa kanya ng Diyos. Okay na sana ang lahat sa buhay niya, dahil sa pagmamahal na inuukol din sa kanya ni Miguel. Pero dumating ang isang pangyayari na siyang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. Handa na ba siyang iwan si Miguel, at sumuong sa kamatayan?