Yen605's Reading List
2 stories
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 168,928
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 128,250
  • WpVote
    Votes 1,966
  • WpPart
    Parts 25
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale By Bridgette Marie "Be with me... kahit saglit lang... Puwede naman tayong maging makasarili kahit ngayon lang, 'di ba?" Walang himala! Iyon ang itinatak ni Emie sa sarili mula nang biguin siya ng Langit nang mga panahong kailangang-kailangan niya ng himala. Hindi kasi nailigtas sa kamatayan ang kanyang pamilya nang masangkot ang mga ito sa isang trahedya. Bitter na kung bitter, wala siyang pakialam. At wala rin siyang pakialam kung siya na lang ang hindi apektado sa charm ng bagong doktor sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Weh? Hindi nga? Dahil ang totoo, dead-ma kuno si Emie kay Cassiel-dahil tuwing ngingiti naman ang doktor, ang puso niyang puno ng bitterness ay napapalitan ng sweetness. At mukhang sinusuwerte siya dahil panay naman ang lapit ni Cassiel sa kanya. Feeling ni Emie, sa wakas ay mukhang magiging masaya na siya. Pero ano itong nalaman niyang hindi raw maaaring manatili sa mundo ng mga tao si Cassiel? Ano raw?!