yelsha_angelica
Ito ay kwento patungkol sa buhay, pag-ibig, pag-asa at pangarap. Mga kwentong hindi kayang iparating ng ating mga bibig ngunit kayang ipahayag sa papel gamit ang lapis na panulat.
Sa unang pagkakataon, susulat ako sa publiko. Susulat ako ng mga letra, salita't pangungusap na maaaring mag-bukas sa mata ng mga bulag at magbigay boses para sa mga hindi makapagsalita.
Gaya ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, gagamitin ko ang Lapis at Papel bilang sandata sa magulo at maingay na mundo.
Nawa'y samahan mo akong tuklasin Ang Tunog na Likha ng Lapis at Papel.