Secretlywritess
- مقروء 1,203
- صوت 52
- أجزاء 28
'Nakapasok ako sa mundong nasa likod ng mga libro at ito ang mundo ng Wattpad.'
Si Amber Zampanta ay isa sa mga kababaihang pinangarap na makapasok sa loob ng libro. Isa siya sa libo-libong babae na nangarap at humiling na makita ang mga lalaking minahal niya na hindi nag e-exist sa tunay na mundo.
Sa hindi niya inaasahang pangyayari, makakakilala siya ng isang babae na magagawang tuparin ang lahat ng kahilingan niya. Mararanasan niya ang manirahan sa loob ng libro, makikilala niya ang lahat ng tauhan sa librong pinasok niya, at mararanasan din niya ang lahat ng pangyayaring nakasulat sa loob ng libro.
Walang ibang daan palabas ng libro, pwera na lang kung magagawa niyang matapos ang kwento sa orihinal nitong istorya. Pero paano kung isa lamang pagkakamali ang pag pasok niya sa loob ng libro? Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang gampanan ang katauhan ni Mia Addison at mapaibigin si Clark Mercander, ang lalaking pinagbabawal mag mahal dahil sa oras na tumibok ang puso niya sa sinoman ay hudyat na din ito ng katapusan ng buhay niya.
Posible kaya niyang mapaibig ang lalaking sa umpisa pa lang ay bawal na mag mahal? Makakalabas pa kaya siya sa loob ng libro? Halika na at samahan si Amber sa nakakabaliw na adventure niya sa loob ng wattpad.
Welcome to the Wattpad World~
Date started: January 30, 2020