Maling Daan: Ang Karendirya ng Baryo Tiktikan (BL Horror)
_AIRLEE_PALATAWA_
- Reads 5,294
- Votes 207
- Parts 12
Isang tagong Baryo na hindi sakop ng Gobyerno at Pamahalaan. Isang lihim na baryo na matagal nang nakatago sa isang liblib na Lugar.
Lugar na kung saan pinaniniwalaan na walang nakakapunta ang nakakalabas pa ng Buhay. Ilan na ang mga naligaw sa lugar na iyon, ngunit kataka-takang ni isa ay wala man lang nakakalabas ng buhay.
May mga naglakas ng loob ring sumubok na pasukin at alamin kung ano ang nagkukubling lihim sa lugar na iyon, ngunit kagimbal-gimbal ang nangyari sa mga nagtangka nito, dahil halos wala nang nakalabas sa mga ito at maging ang mga bangkay ay hindi narin nakita.
Kaya't labis na iniiwasan at kinatatakutan na ang nasabing lugar dahil sa Misteryosong nagkukubli rito na mapasa hanggang ngayon ay nananatili paring lihim dala ng katotohanang tila malabong matuklasan.
Ngunit paano kung may magkakaibigan ang hindi inaasahang mapapadpad sa lugar na iyon, at dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.
Makakalabas pa ba sila? O ganon din ang kanilang kahihinatnan sa sinasabing.. Misteryosong lugar.
Halina't pasukin at tuklasin kung ano ang makapanindig balahibong Sikreto na matagal nang nakatago sa lugar na tinatawag na.. "Baryo Tiktikan."
A B A N G A N . .