missbubblee
Pag-asa at ilusyon - dalawang salita na makapaglalarawan sa buhay ko. Pag-asa na mabago ang kapalaran ko at ilusyon -patuloy na umasa na mangyari ang isang bagay kahit na alam kong kailanman ay hindi mangyayari.
Ano ang katuturan ng paglaban kung wala namang kasiguraduhan na mananalo? Para saan pa ang paglaban kung ikaw nalang naman ang lumalaban para sa inyong dalawa? Nakakapagod din naman, ah.
Tama na siguro ang pagiging tanga ko. Sobra na.
At lahat ng sobra, nakakasama.