CapriceKiara
Hindi akalain ng dalagang si Kiera na matapos ang dalawang taon nilang relasyon ng kanyang nobyong si Mac ay sa hiwalayan lang pala ito magtatapos.
Mahal na mahal ng dalaga ang binata at hindi na nito nakikita ang sarili na magmamahal pa ng iba gaya ng pagmamahal niya rito.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa kabila ng kanilang pagmamahalan at mga pangako para sa isa't isa, dumating din pala sila sa punto na kailangan nilang wakasan ang kanilang pag-iibigan.
Dahil dito, nakaramdam ng labis na pangungulila at kalungkutan ang dalaga kung kaya't para maibsan iyon ay naisipan niyang gumaw ng account sa isang letter-journal website na kung tawagin ay Letters For You.
Ito ay isang website para sa mga taong mahilig gumawa ng liham para sa kanilang mga mahal sa buhay o 'di kaya nama'y mga taong hindi kaya sabihin sa personal ang totoong saloobin kaya idinadaan na lamang nila ito sa pagsulat ng liham.
Ating alamin ang kahihinatnan ng mga liham ni Kiera para sa kanyang minamahal na si Mac at kung paano nito mababago ang sitwasyon nilang dalawa.
Moments, memories and letters
Started: March 2020
Ended: