Baf_Superlativo's Reading List
4 stories
Wedding Girls Series 03 - GERALDINE - The Cake Architect by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 202,534
  • WpVote
    Votes 5,250
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi mo ako nabunggo at muntik nang mabuhusan ng kape, I wouldn't know you exist. I wouldn't have met you. And I wouldn't fall in love this way." Sa pagkakaalam ng pamilya ni Geraldine, her fiancé was Matthew Beltran. Handsome, rich, caring, loving at kung anu-ano pang magandang katangian. Of course, her fiancé was the best-dahil gawa-gawa lang naman niya iyon para tigilan na siya ng kanyang pamilya sa pagrereto sa kanya ng kung sinu-sinong lalaki. Kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang nabasa lang niya sa isang resibo ay hindi niya alam. Until one fine day. Nakabangga niya si Matthew Beltran. He was handsome. At sa pagdaan ng araw, nadiskubre niya, he was also friendly, caring, and gentle. She thought he was also rich. But was he also loving? She wished he was-kasi nai-in love na siya sa totoong Matthew Beltran...
I Love You, My Darling Ogress by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 171,031
  • WpVote
    Votes 1,004
  • WpPart
    Parts 5
"Kung mahal mo talaga ang isang tao, walang lugar para sa 'I love you but you deserve someone better.' Dahil kung totoo ang nararamdaman mo para sa kanya, you will become that someone better." (Published Under Precious Pages Corporation) Ginusto ni Trixie na pansamantalang makatakas mula sa magulong mundo ng pagmomodelo kaya bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon. Pero malayo sa peace of mind na inaasahan ang sumalubong sa kanya nang isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang si Alaric Montero. Iginiit pa ng lalaki na fiancé niya ito. Trixie felt like the whole world was spinning right in front of her eyes. Natagpuan na lang niya ang sariling nakakompromiso ang isang buwan na bakasyon niya kasama ang pinakaarogante at pinakaimposibleng lalaking nakilala niya. Pero sa mga araw na kasama niya si Alaric, naranasan niya ang maging masaya. Sa tulong nito, unti-unting nanumbalik ang sigla ni Trixie at nagawa niyang makaahon mula sa kalungkutan. Pero sa huli, kailangan niyang bitawan si Alaric dahil set-up lang pala ang lahat. She was a victim of misidentity...
Don't Let Me Go, Diana by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 322,629
  • WpVote
    Votes 1,970
  • WpPart
    Parts 14
Habang ang isip ko bumubulong na, 'bumitaw ka na,' ang puso ko, humihiling at nagsasabing 'kapit pa.' Isa sa mga pinakamalalang bagay na pwedeng gawin ng isang desperadong tao na na-best friend zoned: Ang sumigaw ng "Itigil ang kasal!" sa mismong araw ng kasal ng best friend niya. Iyon ang ginawa ni Alexis na alam niyang habang-buhay na pagsisisihan pero ginawa niya pa rin dahil sa pagmamahal. Kaya ang resulta: Lumalagapak na friendship over. Sinira ni Alexis ang pinapangarap na kasal ni Diana, his world, his life, his best friend, his heart and soul all rolled into one. Ngayong hindi natuloy ang kasal, mapatunayan niya pa kaya ang sarili kung kontrabida na ang tingin ni Diana sa kanya? O tuluyan na siyang pakakawalan at paaalisin sa buhay nito? Pero huwag naman sana... May spin-off po ang story na ito. Ang In A Town We Both Call Home, kwento po iyon nina Jake at Lea. Here's the link: https://www.wattpad.com/story/195497994-in-a-town-we-both-call-home
Once Upon A Time by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 204,618
  • WpVote
    Votes 1,041
  • WpPart
    Parts 6
"Ayoko na hahawakan mo ako 'tapos bibitawan mo rin. It's either you hold me forever or you let me go now." Everybody thought Selena's life was perfect. Nasa kanya na kasi ang lahat: fame, power, beauty, and Adam-the man she had always loved since she was five. Pero hindi. Dahil ikakasal man sila ni Adam, arranged marriage lang iyon. Ni minsan, hindi niya naramdaman na mahalaga siya sa kanyang fiancé. Si Dean, ang executive assistant ni Adam ang parating to the rescue sa kanya at ang ipinapadala ng fiancé tuwing may date sila at busy ito sa trabaho. Until one day, Selena fell in love with Dean. And she was happy. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagmahal siya at mahal din siya. It was supposed to be the start of their beautiful story. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nobody approved of their love. Nagpasya silang lumayo. Pero sa pagtakas nila, naaksidente si Selena at nagkaroon ng amnesia. Paggising niya ay hindi na nila maalala si Dean. All she could remember was her life before Dean came-happily engaged to Adam, her Prince Charming. Dean didn't know just how long he could endure it. Hindi niya alam kung kakapit pa o bibitaw na. Could they still have their once-upon-a-time moment? Available din po sa wattpad ang series 6 ng The Present. Here is the link: https://www.wattpad.com/story/191400857-i-can%27t-say-i-do-completed