Ang Babaeng Hindi Mahilig sa Rosas
Napapaligiran ng tinik ang kalooban ni Rose Candice. Sa bawat paghakbang ng kanyang mga paa'y parang may humahadlang sa kanyang kasiyahan. Sa bawat pagmasdan ng kanyang mga mata sa mga rosas, hindi pa rin kayang tingnan ang nakakaakit nitong ganda. Naalala pa rin ang matitinik niyang kasaysayan.