AmberValdez1
- Reads 1,467
- Votes 112
- Parts 56
Elementary palang si Amber nang una niyang makita ang pinsan ng bestfriend niya na kasalukuyang nagbabakasyon sa kanilang lugar. At sa mura niyang edad hindi lubos maipaliwanag ni Amber kung ano ang kakaibang nararamdaman, sa tuwing nakikita niya ang lalaki.
Akala nya'y mawawala rin iyon sa paglipas ng panahon. Ngunit, sa muli
nilang pagkikita hindi parin pala tuluyang nawala ang kakaibang nararamdaman niya para sa lalaki. Hindi parin nagbago ang pagtingin ni Amber para sa binata kahit sa lumipas na taon.
Magkaroon pa kaya ng katugunan ang nararamdaman niya? Samantalang parang hindi nag eexist si Amber' sa paningin ng lalaki.
At kung bibigyan kaya siya ng pagkakataon ng tadhana na tugunan ng
binata ang matagal na niyang kinikimkim na pag ibig. Magagawa kaya niyang ipaglaban iyon?
Datapwa't ang pag iibigan nila ay parang isa sa mga nababasa niya sa mga libro na hindi magkatugma ang kanilang antas sa buhay. Lupa lang siya at langit naman ang lalaki. Maniniwala na kaya siya sa sinasabi ng kanyang ina na 'ang mga mayayaman para lang sa mayayaman at ang mahihirap na kagaya niya ay para rin lang sa mahihirap.'
Magkaroon pa kaya ng happy ending ang pag ibig niya sa lalaki tulad ng sa libro?
Paano ba mapapaibig ang isang
'Bench Mher Estrada'? at ano ba ang pakiramdam ng ibigin nito.
Pagdurusa at pasakit lamang ba ang naghihintay sa kanya? Sa kabila ba ng mga pagsubok at hirap na kanyang naranasan, makakamtam pa ba ni Amber ang ligaya na walang hanggan
sa piling ng binata?
Simple synopsis but heavy content
Full of twist and full of appreciation of valuable meaning of life.
Hope you can read it till end😘😘😘