CarolynLumacad's Reading List
200 stories
Bawal Mo Siyang Mahalin - Camilla by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,858
  • WpVote
    Votes 186
  • WpPart
    Parts 14
"Since the first time I kissed you, I know that I was the only man in the world who could make you happy..." Dahil sa isang pustahan, pumayag si Wanda na ipakilala bilang girlfriend ni Norman-ang best friend niyang gay. Ngunit ang kalalakihan sa angkan nito'y ipinaglihi yata sa mga diyos ng Olympus, lalo na si Abe, nasa unang pagkikilala pa lang ay naghatid na agad ng kiliti sa kanyang puso. Pero sabi ni Norman, huwag siyang mai-in love kay Abe. Bawal. Masasaktan lang daw siya. Sinikap niyang makinig sa payong kaibigan ngunit sutil ang puso niyang hindi na marunong kumilala ng katwiran... at katinuang napapatid tuwing inaalipin siya ng mapupusok na halik ni Abe..
Surrender My Love - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 11,117
  • WpVote
    Votes 154
  • WpPart
    Parts 9
The trouble with some women is that they get all excited over nothing ¡yon ang paniniwala ni Mary Concepcion na lalo pang tumibay nang mabigo sa kaisa-isang lalaking minahal. Mula noon ay itinakwil na niya ang salitang "kasal." Kaya hindi niya malaman kung paano tatanggapin ang balitang magpapakasal na ang best friend niya. At ang best man ay walang iba kung hindi ang lalaking dumurog sa puso niya, si Adam Burgos. Hindi niya kayang pigilan ang muli nilang pagtatagpo, ngunit desidido siyang pigilin ang. damdaming si Adam pa rin ang isinisigaw. Ngunit mapipigilan ba niyang mahalin ang lalaking unang gabi pa lamang nila sa iisang bubong ay gumapang na sa ilalim ng kumot niya?
Juliet Of The Daffodils - Racquel Aguila by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 13,662
  • WpVote
    Votes 175
  • WpPart
    Parts 13
Five years old si Juliet nang sitahin siya ni Miguel sa pagpitas niyang daffodils sa hardin ng Fontana. Bilang ganti ay binigyan niya ito ng panyo, dahil aniya ay pumapangit ito kapag pinagpapawisan ang mukha. Fourteen siya nang maging aware siyang nagbibinata na ito. Sa edad na seventeen, tinutubuan na ito ng balahibo sa braso at upper lip... At bakit tila naku-kunsumi siya kapag binabanggit nito ang mga girls na gusto nitong ligawan? Ngayon ay isa nang ganap na doktor ang binata and she, too, is ripe for romance. Pero certified conservative siya, at ito naman ay man of the world. Kahit kailan ay hindi ko siya maaaring ibigin, aniya sa sarili. Pero kung makakapagsalita lamang ang mga daffodils, babansagan siya ng mga ito ng: "Denial Queen."
My Love My Heroine - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 11,837
  • WpVote
    Votes 167
  • WpPart
    Parts 12
Dahil sa pangungulit ng inang napa-paranoid na sa sunud-sunod na kidnappings, napilitang makipag-kompromiso si Leo. Pumayag itong magkaroon ng bodyguard ngunit kailanga' y babae. At hindi basta babae kundi babaeng maganda. Kahit hindi naman totoong qualified, pumasok si Charizze sa eksena na armado lamang ng kaunting kaalaman sa self-defense. Mag-iipon muna siya ng pera upang tuluy-tuloy na makapag-aral. But the moment she met Leo, iba ang natutuhan niya. Natutuhan niyang manibugho sa mga paglalambing nito sa nobyang si Lee. Natutuhan niyang masaktan kapag dinaraanan lamang siya ng mga mata ng lalaki. At nang malagay sa totonng ranganib ang buhay nito, natutuhan niya ang tunay na -Walugan ng pag-ibig at pagpapakabayani...
Ikaw Lang  by YGKing
YGKing
  • WpView
    Reads 65,542
  • WpVote
    Votes 850
  • WpPart
    Parts 10
This is my second story sa PHR. August yata siya narelease. Bali inspirasyon ko nito si Twinkle na kaibigan ko at ang crush niyang accountant namin. Natawa pa ako dito kasi pinarevise sa akin ng dalawang beses ang dedication page kasi masyado dawng mahaba :) But I will post only 8 Chapters kasi published na ito ng PHR... Ito iyong teaser na pinasa ko pero hindi naapprove. Hindi ako makahagilap dito sa net ng teaser ng printed na. Mas mabuti kasi iyong copy paste na lang :) Naririndi na si Twinkle sa mga parunggit ng nanay niya at mga kaibigan tungkol sa pagiging soltera niya. Ilang buwan na lang kasi ay magti-trienta y dos na siya at lagpas na sa kalendaryo ang edad niya. Kaya kahit na blind-date ay pinatulan na niya. Until one day, she met Rene sa MRT and accidentally they shared a kiss together. At ang halik na iyon naging simula nang lahat....
Handang Magtiis Ang Puso Ko - Jennie Roxas by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 12,992
  • WpVote
    Votes 179
  • WpPart
    Parts 12
Magkaibang mundo ang kinagisnan nina Aura at Carlo. Si Aura ay lumaking sanay sa hirap at kayang tisin ang lahat mapansin lamang siya ni Carlo. Bagama't kilala siya ni Carlo bilang alalay ni Mitchi na kasintahan nito, hindi man lang nito alam ang pangalan niya. Nang dumating ang sandaling humingi si Carlo ng tulong sa kanya, upang pasakitan si Mitchi, ay hindi na siya nag-atubili pa. Agad siyang pumayag dito. Ginawa nito ang lahat upang hindi siya maging alangan para dito. Pinaayusan siya sa isang magaling na beautician at fashion designer. Pagkatapos niyon ay lumabas ang angkin niyang ganda. Hindi sinasadyang nahulog ang loob ni Carlo sa kanya sa panahon na lagi silang magkasama. Hanggang sa ipakilala siya nito sa mga magulang nito-at marinig mula sa mga ito ang mga salitang: "Totoo palang napakaganda ng magiging daughter-in-law namin!"
Umaasa Sa Iyong Pag-ibig - Jennie Roxas by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 13,253
  • WpVote
    Votes 182
  • WpPart
    Parts 12
Bata pa lang si Lai ay mahal na niya si Jason. Nagkaroon siya ng ilusyon na mahal din siya nito, at hinihintay lang nitong magdalaga siya dahil sa agwat ng kanilang edad. Ngunit nang mag-sixteen siya ay nagsimulang mangyari ang kinakatakot niya nagkaroonng ibang kasintahan si Jason at nagbabalak na itong magpakasal. Napuno ng pangamba ang bata niyang puso. Mahal niya si Jason at hindi niya matanggap na basta-basta na lamang ito mawawala sa kanya. Out of desperation, isang mapusok na balak ang nabuo sa kanyang murang isipan. Na sa pamamagitan niyon, maaaring maging kanya si Jason... Pero maaari ring kamuhian siya nito sa habampanahon...
Nagmamahal Pa Rin, Alison - Pilar Magarro by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 20,669
  • WpVote
    Votes 259
  • WpPart
    Parts 10
Disiotso anyos si Alison noon, at batid niyang hindi bugsong kabataan kundi tawag ng tunay na pag-ibig ang nagbunsod sa kanya upang isuko ang pagkababae kay Mike Diaz. Ngunit nang mag-abroad ang binatang hindi nakapagpaalam sa kanya nang maayos ay nagsimula niyang itinuring itong isang double-crosser na kahit kailan ay hindi dapat patawarin. Sa pagbabalik ng binata pagkaraanng limang taon ay dead malice ito sa kanya, kesehodang ito na ngayon ang chiefng departamento ng ospital na pinapasukan nya. Pero hanggang saan ang pagpapatay-malisya niya-gayong isang tingin pa lang nito sa kanya ay tila gusto na niyang amining mahal pa rin niya ito?
Naghihintay Sa Iyong Pag-ibig - Jennie Roxas by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,461
  • WpVote
    Votes 163
  • WpPart
    Parts 12
Sigurado si Lady sa sariling makakaya niyang paamuin si Vince, ang guwapo pero supladong lalaking kapag nakikita siya'y lumalabas ang gatla sa noo. Nag-uumpisa pa lamang umusbong ang relasyon nila'y nadiskubre ng lalaking bahagi lamang ng pustahan ang lahat. Ininda niya ang pagpunta nito sa Amerika nang hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Limang taon ang lumipas. Nagbalik si Vince hindi para ituloy ang naputol nilang relasyon kundi ipamukha sa kanya ang naging pagkakamali niya. At nakahanda siyang tanggapin ang parusa nito dahil isang bahagi ng puso niya ang nagsasabing mahal pa rin siya nito.
Say That You Love Me - Sharmaine Galvez by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 12,761
  • WpVote
    Votes 209
  • WpPart
    Parts 11
Mga bata pa lang sila ay minahal na ni Sunday si John. At alam iyon ng binata dahil very vocal naman siya sa damdamin niya para dito. Ngunit kahit ano pa ang gawin niya ay hindi siya nito makuhang mahalin. Wala itong ibang bukambibig kundi si Alyanna. Nasa babae raw kasi ang katangiang hinahanap nito sa isang babae. Ang kasimplehan. To spite John, pumasok siya bilang isang modelo. Kung si Alyanna ay simple, puwes siya naman ay magiging glamorosa! When she finally decided to go to the States to forget him, bigla naman itong nag-propose sa kanya ng kasal. At ginawa nito yon sa harap ng audience sa isang fashion show niya! She was touched by what he did. Imagine, he professed his love for her in front of so many people! Ngunit ang problema y hindi siya naniniwala rito. Lalo na at naaalala niya ang ginawang pagtanggi nito noon sa kanya.